"first time ko dito sa province niyo,(tumingin siya sa relo niyang swatch ata ang tatak) 2 hours ang interview, pwede mo ba akong ipasyal muna dito?" napaisip ako kung san ko siya ipupunta/ipapasyal, konti lang kasi ang magagandang lugar dito eh, at saka. (kumapa ako sa bulsa ko) wala akong dalang pera, nasa bag ni Jane. hahay buhay! paano to.
"ah sige! maganda yan let me be your personal tour guide" inabot ko ung susi at hinila siya papunta sa parking, kung san andun si plingkymio. habang naglalakad, ehem- naiinitan ata ako. naiinitan ako hindi dahil sa tirik na araw, kundi sa kamay niya. achuchu, ang tigas ng kamay niya kasi payat skeleton ata, pero soft. pero first time ko ata makipag holding hands sa artista.
sumunod lang siya at as in hinihila ko siya, medyo malayo naman ang parking lot. nagpapahila naman siya, ginusto niya yan eh.
ng nakadating na kami sa parking lot, "suot mo to" abot ko sakanya yung helmet kong color pink. haha yeah pink, tapos lalaki ung susuot ano? tumawa siya at napalingon sa likod habang natatawa.
"sorry pink, pink kasi favorite color ko"
"halata nga, pink tong scooter mo eh" natatawa siya pero itinaas niya yung kamay ko at kinuha ung susi. sumakay siya sa motor ko.
"sakay na!" wow parang sakanya naman at para namang alam niya ung daan. sinuot ko ung helmet ko. at sumakay na kay plingky. pinaandar niya at ng nasa gate na kami.
"left or right?" tanong niya.
"up" biro ko haha! halatadong namumula ang balat niya dahil sa init. ang puti niya at ang payat. mula kanina di ko pa siya natititigang mabuti. puro kalokohan kasi pag may bago akong kakilala.
"lets go? up up and wave?" hahaha! napatawa ako ng malakas dun pero tinuro ko ang right, punta muna kami sa bahay para kumuha ng pera, alanganin kasi, syempre bisita siya dito, di naman ako bastos, kaya ieentertain ko siya :) tinuturo ko lang ang daan at wala pa sigurung sampong minuto ay nasa bahay na kami. walang tao sa bahay kaya pinapasok ko muna si Kim sa dream little mansion ng namin. pinark niya si plingky sa tabi at bumaba na din ako para buksan ang red gate namin.
"pasok ka"
pinaupo ko siya sa golden black sofa namin. lingon siya ng lingon sa gilid, lalo na sa mga paintings ko at sa family pic namin. tumayo siya at nakita kong hinawakan niya ung isa kong painting na horse. yeah, im an artist, art-ist haha! i love to draw i love to paint i love arts. that's my sideline. nakakabenta ako ng 15k per paint.
"feel at home, i'll go upstairs lang" mukhang di naman magnanakaw si Kim, kasi mas mayaman pa siguro yan saamin. tsaka mukhang mapagkakatiwalaan naman. agad din akong bumaba. pero tatlong hakbang nalang sana, ay naisipan kong ibigay sakanya yung painting kong size 8'11 (coupon band size) isang illusion pero abstract ng isang nagpiapianong babae. exacto! nagpiapiano siya.