"yeah, sayo na yan.kung alam ko lng na pupunta ka sa bahay, edi ginawan sana kita ng mas malaki hehe! keep it! and umm- wait ah" tumakbo ako sa hagdan at kinuha yung mga loombracelets ko sa kwarto, past time din, haha! negosyante kasi ako masyado kaya nagbebenta din ako.
"ito, loombracelets para sa sister mo, sana magustuhan niya" hinila ko na siya at kumaway na tara na! "umm pero-" rinig kong sabi niya.
napatigil kami sa labas ng pinto.
"ah wala tara" sabi niya. tinuro ko ulit ang daan papalabas ng subdivision namin. syempre di naman niya alam kung san ang daan, una pinunta ko siya sa tagong falls malapit saamin. amaze na amaze siya, alam kong korni pero parang ngayon lang siya nakakita ng ganito. tumapak pa siya sa tubig at nakipaglaro sa mga batang naliligo. medyo nabasa sya pero agad din naman itong natuyo dahil malakas ang hangin at matirik pa din ang araw.
sunod ko naman na ipinasyal sya sa mini zoo malapit din sa tagong falls. ako na ang nagdrive, kasi nahihiya na ako sakanya. at ayun ng nasa zoo na kami speechless nanaman siya, wala bang ganito sa maynila? haha!
"ako na uli magdrive" sabi niya ng papalabas kami sa zoo. napatingin din siya sa oras at sabay sabi "one hour pa" tumango ako at ipinasyal ko siya sa capitol. kung saan sila magcoconcert mamaya. madaming tao pero bumili kami ng tag isang cap namin. at shades para di siya mahalata ng tao. ako na ang gumasto kasi naiwan din niya yung pera niya sa hotel na tinutuluyan nila, saan nga kaya sila naghotel?.
lumibot kami sa mga rides. dahil sa pasaway ako. inalok ko siya sumakay sa "roller coaster tayo?" tignan ko nga kung matapang ito. "kaya mo?" naku kaya ko daw ba? haha fighter to. "yeah" bumili ako ng 2 tickets at heto na woooo! una takot ako, napahawak ako sa braso niya at napapapikit ako. siya tumatawa saakin at sabi niya sumigaw daw ako tulad niya kaya "uwaaaaaaaaaaah!" "here we go! yeaaaaah!" siyet pagbaba namin para akong maduduwal, pero joke lang nahilo ako at pwe, umiikot pa din ang tiyan ko. "okay ka lang?" tanong niya saakin with worry face. "oo ok lang, meryenda tayo, treat ko" syempre treat ko nanaman eh wala naman tong pera eh haha.
nag stop kami sa isang ice cream booth at nag order ng "one hot chocolate sundae and-" tumingin ako sakanya "ah! one vanilla!" " vanilla daw" , napapaisip ako kung nakikipag date na ba ako sakanya? pero hmm parang hindi na parang ganun na din yun.
"10 minutes nalang, nagtetex na din sila drake kung nasaan ako" sumusubo pa ako ng ice cream ng kamuntikan na akong mabilaukan dahil sa sinabi niya "ambilis ng oras, san ba kayo naghotel?"
"sa green paradise hotel & resort" ah dun? bakit dun? tss. kaaway ko kasi anak ng may ari dun.