Hiding My feelings

11 4 1
                                    

Isa akong palakaibigan, minsan ang iba umaabuso sa kabaitan ko, nagkakagusto sila saakin dahil 'mabait' daw ako masyado

meron pa ngang isang babae na akala may gusto daw ako sakanya, pero sinabi kong talagang malapit lang ako sa mga babae. dahil mga sumunod saakin ay puro babae. apat kami ako ang panganay at tatlong baabe na ang sumunod.

mahirap pakisamahan ang mga ugali ng kapatid kong babae dahil mainitin, mabilis magtampo at masungit pag may period.

burara pa sa mga gamit at magulo ang kwarto.

dahil sa panganay ako, ako ang madalas mag ayos ng bahay at mag laba.

oo lalaki ako, pero naglalaba ako, ayaw ko namang mapagod ang mga kapatid ko sa paglalaba dahil mabigat at de poso ang gamit namin.

wala ang magulang namin dahil nasa Korea nagtratrabaho. over staying na nga sila doon at nagbabadyang mahuli na sila, pero pilit silang nagtatago don, at salamat naman sa Diyos dahil may tumutulong sakanila doon.

College na ako at madaming responsibilidad na dapat gampanan, ang pagiging kuya, ama at ina sa tatlo kong kapatid. tinuturuan ko naman sila pagkatapos ng klase ay umuwi agad at mag ayos sa bahay, magluto at maglinis.

3rd year college na ang pangalawa kong kapatid.

grade 6 naman ang pangtatlo at grade 4 ang bunso.

katulad ko alam na nila ang mga responsibilidad nila

tutal malayo ang pinapasukan kong school gabi na ako kung umuuwi.

DRAFTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon