agad akong tumakbo sa kwarto ko para icharge yung cellphone ko. pagkatalikod ko. ay pambihirang palakang pinsan kolaking gulat ko ng nakatayo sa likod ko naka dumog at parang zombie! sanay naman na akong nag ssleepwalk itong pinsan ko kaya di na ako msyadong nagulat. isang sampal lang na malakas gising na to kaya. *pak!* "oh bat anung nangyari!""epal ka!? lumayas ka nga dito!" ganyan ko kamahal si zac. (nagsasapakan eh no? haha) pinsan kong lalaki. mas ahead ng tatlong taon kaya kuya ko siya. pinsan kong barriotic, barriotic kasi nahuli ko siyang kumakain ng (secret) haha!
nag peace sign siya at bumalik sa guess room. ako naman bumalik sa kusina. pero pusa lang ah! wala na yung sandwich ko!!!
"sino-!!" pagkasabi ko palang ay nakita ko na sa baba ng mesa yung pinsan kong kambal ng kanina! abat glass kaya itong kitchen table namin! dyan kapa nagtago! nakapamewang ako at
"lumabas ka nga diyan para kang tanga, glass ito oh glass!" tinuturo ko yung glass.
lumabas siya at nauntog pa, kashunga din talaga itong kambal ni zac na si zayn.
"abat bakit ka andito!? palitan mo sandwich ko!" habang nakapamewang pa din ako. inopen na niya yung ref para kumuha ng sandwich. pero sumakmol ulit ng isang hating loaf. tss!
"sinundan ko si zac eh! tapos naamoy ko yung toasted sandwich mo" habang napapatawa at proud pa talaga sa sinabi. woo! mga pinsan ko talaga! kung di ko lang sana birthday bukas wala kayo dito eh. tss!
nagkwentuhan kami ni kuya zayn, ito lang kasi nakakaintindi saakin eh. nagkwentuhan kami patungkol sa girlfriend niyang si ate Meagan, si ate Meagan na isang nursing student, title holder ng 'miss health scie' aba maganda to, nakakainlove ang mga mata niya, mabuti at si kuya zayn ang boyfriend niya, kaswerte nga netong pinsan ko eh.
pagkatapos nun ay sabay kaming humikab, nag apir-an nga kami haha,walang pagdududa pinsan ko talaga to.
HAPPY BIRTHDAY TO YOU HAPPY BIRTHDAY HAPPY BIRTHDAY HAPPY BIRTHDAY TO YOU!!!! sabog conffetti sa kwarto ko with kasamang torototpa, di ko pa namumulat itong mga mata ko, nagkakagulo na mga pinsan ko dito sa kwarto ko, nalimutan ko nga palang nilock kagabi, tss! nagtalakbong nalang ako ng kumot pero pilit akong gisingin ng cute kong pinsan na si meisy. 'ate wake up its your birthday!' ang cute niya talaga. boses pa lang. englishera rin pala yan. 3 years old pero magaling na mag english.