pumunta ako sa kubo sa likod at ayun nga nakita ko si sophie, humihithit ng sigarilyo. papatakbo na ako sakanya pero napatigil ako sa may painting sa may hallway, isang abstract na nagsasabing "tell now, speak now" own interpretation ko yun. kaya tumakbo ako kay sophie.
"itigil mo na yan!" sabay kuha ko sa sigarilyong malapit ng maubos. alam kong masakit para sakanya, pero kasalanan din niyang di niya sinabi. pero kamanhid din netong si jacob.
"dave pwede ba?" unti unting tumulo ang luha ni sophie, at ngayon ko lang din siyang makitang umiyak ng ganito, na feeling hopeless talaga at yung feeling na parang wala siyang karamay kundi ang sarili niya lang.
andito ako sophie alam ko ang nararamdaman mo, kung ganyan mo kamahal si jacob na kaya mong ibigay lahat para mapansin ka, sana sinabi mo na ang nararamdaman mo noon pa, wag mo sanang kawawain ang sarili mo, madami pang lalaki diyan at andito pa ako.
niyakap ko siya at hinayaan kong tumulo lang ng tumulo ang luha niya hanggang sa mapagod siya at tumahan.
"thank you david"
"andito lang ako, wag ka magalala, kung di ka mapansin ni jacob, pwes ako, napapansin ko kung gaano mo kamahal si jacob, sana nga ako nalang si jacob eh, pero hindi eh." alam kong dire diretso kong nasabi yun sakanya kaya napatigil sya sa pagyakap saakin. at tinitigan niya ako sa mata. bigla ko siyang hinalikan sa lips at pati ako nagulat sa ginawa ko. para bang may nagtulak saaking multo para gawin yun.
"sorry, mahal kasi kita sophie, sana ramdam mo yun" tumalikod ako sakanya at feeling awkward. pero hinawakan niya ang kamay ko.
"sorry din." ganito pala ang first kiss na tinatawag, sobrang kabog ang nararamdaman ko mula sa puso ko
"sorry for what?"
"na i let you fall inlove with me, dahil lang sa mga ginagawa ko para kay jacob"
"dont be sophie, i love you for who you are sorry kasi nagtago din ako nang nararamdaman ko sayo simula palang ng unang pagkikita natin nasabi ko na sa sarili kong ibang klase tong babae na ito. pero inunahan ako ng kaba at takot, lalo na ng inopen up mong gusto mo si jacob, na torpe ako at medyo nagselos pero kaibigan kasi kita kaya ko yun ginawa, na sopartahan kita, whatever may happen sa nararamdaman ko sayo"
