bumili si Sophia ng isang litrong gatorade at cup noodles.
may sakit nga si Jacob 39 ang temperature. nasa probinsya din ang mga magulang niya kaya di maasikaso ng magulang. umabsent si sophia sa pangalawang klase. dahil sumusuka at kailangan ng kasama si Jacob.
Panay nanaman ang kantyaw namin kay Sophia kinabukasan, kinikilig siya pero halata ang lungkot sa kanyang mga mata dahil nga di pa magaling si Jacob.
Dumating naman na daw yung mama ni Jacob pagkaalis ni Sophia, naconfined si Jacob ng 3 days sa hospital. Preliminary exam kasi ngayon kaya di namin mabisita si jacob.
Nang gumaling si jacob, balik sa kantyawan ang dalawa. Ewan ko bat torpe itong si sophia, lagi naming sinasabi na sabihin niya na ang nararamdaman niya para kay jacob pero ayaw niya, yan tuloy naunahan ni charmaine.
Si charmaine classmate namin sa religious education, may requirement kasi kaming 20 hours community service. Nataong kagroup namin siya, pag humihinto kami sa pagcocommunity service, may kwentuhan, asaran at iyon nga aminan.
Gulat nalang kami ng umamin siya kay jacob
Tungkol kasi sa crush ang topic, natapat sakanya ang bottle.
"Di ko alam kung paan sabihin, pero crush kita Jacob, kung di ko kasi masabi sayong crush o mahal kita, baka sumabog ako."
Natahimik ang lahat ng umamin siya. Alam kasi naming malapit sila sa isat isa pero nahulog na pala si Charm sakanya.
Awkward ang feelings nila hanggang ngayon
