ako si David John Padre Araneta, 18 years old at kasalukuyang kumukuha ng kursong Nursing.
ako din ang kasalukuyang Mr. Heath Science. Hehe oo ako, wala naman akong magawa kung ako ang napili. di naman sa pagmamalaki sa sarili ko kundi sadyang pogi at matalino lang ako.
isang babae ang gusto ko, kaso nasa lower year siya at di kami masyadong magkakilala, maganda at simple, nakilala ko sa jeep ng papauwi ako saamin.
"kuya! ikaw yung mr. hs? san ka po nakatira?" nagulat ako ng nasa jeep kami at magkatabi, naghihintay kasi ng pasahero para mapuno at umalis na, boring siguro kayat kinausap niya ako.
tumango ako at nilagay uli ang headphones ko sa tenga.
"tapos mo na po ba ang Communication Skills mo?"
tanong uli nya kayat napatanggal uli ako ng headphones ako.
tumango uli ako at nilagay ang headphones ko.
tinignan ko siya at tila ba hirap na hirap na sagutan ang mga tanong.
"Clergy" sumbat ko sa di niya masagot, group of priest.
"thanks kuya! eh ito po?" nasagot namin ang buong assingnment niya, napakadami pero alam ko naman ang mga sagot kaya hanggang sa nakauwi kami nagpapasalamat siya.
3 times a week kaming nagsasabay umuwi every MWF 8PM kasi ang uwian namin.
medyo nalalapit na din ang loob ko sakanya.
panay na din ang kantsaw ng mga barkada kong babae dahil ang akala nila girlfriend ko siya.
pero ang totoo hindi, crush ko lang siya at kaibigan din ang turing ko sakanya. ayaw ko kasi isang araw ay mailang siya saakin at ayaw na akong kausapin evrytime magkasama kami sa jeep kaya, ayaw kong magpadalos dalos.