"Sino?"
"Yung educ"
Alam kong masasaktan nanaman si sophia, pero di ko alam ay nasa likod lang pala namin siya at nakikinig.
Tumayo ako at ipinunta ko siya sa labas, namumuo na kasi ang luha niya.
"Very well said, move on nalang ako, torpe kasi ako eh" turo niya sa sarili nya.
"Oy anu yan?" Singit ni mary
"Hoy! Bat mo siya pinapaiyak David?!" Sabi naman ni Bianca
"Hindi niya ako pinapaiyak guys, cr muna ako ah"
Hahabulin sana nila mary at bianca si sophie pero pinigilan ko sila at sinabing may ibang gusto pala si jacob at yun yung educ girl na naging kagrupo niya sa recollection namin.
Ang alam kasi namin ay gusto din ni jacob si sophie dahil nagka MU sila nung first years. Dahil sila lagi ang magkasama at same sila ng school na pinag graduatan ng high school.
bumalik si sophie na namamaga ang mga mata, parang batang sobrang iyak dahil inapi. Katabi pa man din niya si jacob.
"Anong nangyari sayo? Rudolf?" Tanong ni jacob
"Che!" Inis namang sabi ni sophie sakanya.
Di ko maintindihan si jacob, minsan narirealize niyang nagugustuhan niya si sophia pero minsan hindi, may mga nega siyang nasasabi pero may mga positive naman. Tulad ng iyakin at sakitin, sakitin kasi si sophie, madalas mag dysmenorrhea, migrane at pag ganun nasusungitan niya kaming lahat.
Simula nun ay naging close kami masyadong magkakabarkada per lagi kong kasama si jacob, tinatry kong ireto si sophia sakanya , pero lagi niyang sinasabi na ayaw niyang maging girlfriend ang mga kaibigan niyang mababait sakanya.
Halos gabi ay may mga patama si sophia patungkol kay jacob. Ako naman nasanay ng magsabi na 'pabayaan mo na madaming lalaki diyan' nagtetexan kami pag gabi, hanggang magmadaling araw.
Ibat ibang topic ang pinauusapan.
Minsan comedy.
Romance
About science
At horror, hindi siya natatakot sa multo, kahit mag isa lang niya sa bahay nila ay di siya takot, malaki ang bahay nila, tulad ko wala yung magulang niya dito, ang mama nya nasa hongkong at ang papa naman niya ay nasa saudi.