Mystery Heirs .....

21 5 1
                                    

nasa isip ko naman ay, mukhang gutom, headache or worst di siya makaalala, alzeimer's disease. naalala ko dahil ganyan na ganyan ang sintomas na ipinapakita ng 'amang noong siya pa ay nabubuhay, may sakit din kasi siyang alzeimer's. laging sumasakit ang ulo at laging nakakalimutan ang bagay.

pinapatahan ko siya kaso nanlalaban ang mga kamay niya sa kamay ko.

ilang sandali pa'y dumating ang isang doctor at dalawang nakarehistrong nars.

chinek siya gamit ang stethoscope at ipinainum siya ng pampakalma , agad naman umipekto ang gamot

nakatulala lang siya sa kisame na para bang inaantok na ewan.

bigla siyang pumikit at sabi ng doctor ay tumalab na ang gamot na naiturok sakanya.

bantayan ko lang daw at obserbahan siya.

dumating si mayor kinahapunan, dinalhan kami ng sariwang prutas at makakain.

sinabi din niyang ipapapospone niya ang finals exam ko dahil kailangang kailangan niya ako.

di na daw tumanggi ang presindente ng school dahil ang ibang estudyante ay nagsipag uwian muna sa kani kanilang bayan. dahil sa takot na baka maulit muli ang trahedyang yun.

nang mag gagabi na ay bumalik uli si mayor para sunduhin ako. ipinapakuha niya ako ng damit at iba pang gamit para dun na matulog sa ospital. di na pa ako nag atubiling tumanggi dahil wala naman akng ibang iisipin pa kundi itong lalaking nakaligtas mula sa eroplanong bumagsak.

ng nasa bahay na ako'y nakita ko ang isang maleta, kulay itim at tila may parteng sunog. hindi ko mabuksan kaya naman dinala ko muna sa kwarto ko at itinago sa baba ng kama ko. hindi naman gaanong mabigat mga nasa sampung kilo lang naman.

nilagay k na ang mga hygiene kits ko sa bag kong malaki at nagdala ako ng iilang mga damit pamalit , unan at kumot.

nagdala na din ako ng mga babasahin para kung mainip ako'y may pampalipas ng oras.

DRAFTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon