Midterms na at di pa din okay sila sophia at jacob. Halatang nagiiwasan silang dalawa.
Syempre bilang kaibigan, lagi kaming nagtatanong kung okay lang ba sila, oo okay lang daw naman sila. Pero si sophia bitter pa din sa text.
Hanga talaga ako dito mahal na mahal niya si jacob.
Ako na palagi ang kasama ni sophie, dahil nagkaroon na ng boyfriend sila mary at bianca.
Minsan nag aya yung boyfriend ni bianca na si paul. Kumain kami sa labas
Habang naghihintay ng inorder ang topic namin mga ilong, oo ilong, kung bakit may pango o matangos, wala naman nasaktan o natamaan sa topic namin dahil lahat naman kami matangos ang ilong, napunta sa topic si sophie, 'mas maganda ang ilong ni sophie' turo ni bianca, kami naman napatingin sakanya, pero bigla niya itong tinakpan, nahihiya kasi.
"uh hindi!" tapos agad siyang pumunta sa cr. sinundan naman ni bianca.
wala pa si jacob sa Restobar kaya naman text kami ng text sakanya. hindi namin alam kung saan ba nagpunta ang sabi susunod nalang siya.
wala na kaming klase ngayon dahil umabsent ang prof namin sa general bio, birthday daw kasi ni sir.
ng bumalik sila bianca at sophie. parang may hangin na dumaan at halos lumilipad lipad ang buhok nilang dalawa.
"wow! naka lipstick yung dalawa! ako diiiin!" sabi ni mary.
"lipstick?" nakoo. gumanda pa lalo yung dalawa kong barkada. ngayon lng kasi nag ayos si sophie. simula noong naging bitter siya.
nag selfie selfie sila. at syempre sumali na din ako, habang kumakain kami , kunwaring nagrereview kami, kasi napadaan yung tita ni sophie sa table namin, baka kasi iba ang maisip ng tita niya, kasi nga nasa restobar kami.
"pabayaan niyo na nga yun, waiteeer!" sabi ni sophie habang nakatingin sa entrance, padating na kasi si jacob.
at ayun kompleto na kami
"kuya 2 bucket of RH and 2 mojito thanks" srsly? bawal ako uminom, ayaw ko na lasing umuwi. tska ano nalang sasabihin ng mga kapatid ko kung ganun?
"uy sophie andami ng 2 bucket" pagtatanggi ko sa inorder niya pero siya na daw bahala. anu ba naman tong babaeng to.