Mystery Heirs ......

20 5 1
                                    

sa isang bukas pa ako magduduty dito sa ospital. nagpaalam ako kay mayor na dapat malagyan ng 10 hours kada araw ang index card ko para makapasa ako sa isa kong subject.

sinama niya akong nagpaalam sa mga doctor at sinabing kung pwede ay dun lang ako magbantay sa pasyenteng biktima para mabantayan ang lagay neto ng maigi. wala pa kasing kamag anak na bumibisita.

umoo naman ang doctor na pumipirma ng mga intern students. sumang ayon sila dahil kung minsan ay nagwawala ang lalaking yun, at binigyan ako ng isang kit na kung san ay may alcohol, syringes cotton swab at iba pa. kailangan daw kasing linisan araw araw ang mga sugat niyang natamo sa sunog para di maimpeksyon.

pagdating ko sa kwarto ay napatakbo ako sa pasiente dahil sinasapok nanaman niya ang kanyang ulo, dahan dahan kong tinanggal ang mga kamay at panandaliang inobserbahan saka ko kinuhanan ng BP normal naman at kailangan niya lang talagang magpahinga at magpahilom ng sugat.

"sino ka? ikaw ba yung babae kahapon?" nagulat ako ng nagsalita siya, nakapikit pa din siya at tila gustong umupo kaso di pa talaga niya kaya kaya inalalayan ko.

"oo ako nga, ano nga palang pangalan mo?"

"ah." huminga siya ng malalim "ah di ko alam, tulungan mo ako" may amnesia na talaga siya, tinanong ko sa naka duty-ng doctor at oo, panandaliang amnesia lang daw yan at pagpasensyahan dahil iba ang pag uugali ng mga nagka amnesiang mga pasiente, minsan ay takot sila sa mga bagay bagay.

bumalik ako sa kwarto, nakagising siya at tila ba dahan dahan niyang minumulat ang kanyang mata, napapatitig siya sa nakalagay sa kanyang mga kamay.

"may naalala ka ba mga nangyari?" tanong ko, kasi sa mukha niyang seryoso, parang may naaalala na siya

"luwalhati?" nagulat at napatalon ako ng nasabi niya ang pangalan ko. bakit niya ako kilala?

"luwalhati, bakit andito ako sa hospital, anong ginagawa ko dito bat may sugat ako anong nangyari saakin? si master saan? si arturo" napakagat labi nalang ako sa mga sinasabi niya, di ko alam kung ano ba ang uunahin kong sasagutin sa mga tanong niya.

DRAFTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon