Si jacob deadma lang. Tinanong ko kung anong feeling pero ang tangi niya lang sagot ay "ang korni pre!"
Sabagay ako din nakokornihan. Di kasi ako sanay sa babaeng siya ang nagsasabi kung crush niya ang lalaki.
Tumatawa lang ang mga kagrupo ko, buti at umabsent si Sophia, kaya naman di niya narinig ang mga pinagsasabi ni Charm.
Alam kong ako si mary, bianca at grey lang ang nakakaalam na gusto ni sophia si jacob. Kaya naman tikom ang bibig namin ng kinabukasan.
Tikom ang bibig namin dahil ayaw naming masaktan si sophie, pero kahit tikom kami may barkada nga palang madaldal si charm. At ayun pinagchichismisan si charm na umamin siya kay jacob. Pati kami damay dahil ang rule 'atin atin lang' pero buong klase na ata ang may alam. Di kami nagsasalita kasi alam naming magtatanong maya maya si sophia saamin.
Nagdesisyon kaming unahan na siya dahil nababasa namin sa mga ngiti at titig niya kay ermarie. Ang bestfriend na madaldal ni charm ang gustong sabihin ni sophia sakanila.
Pinunta ko si sophia sa labas at sumunod naman si bianca, si bianca ang nagexplain sa lahat. Naiiyak si sophia ng pumasok kami sa classroom.
"Bat anung nangyari? Okay ka lang ba sophie?" Tanong ng torpeng si jacob
Tumango kami pero si sophie umiwas ng tingin. At pinagpatuloy nalang yung ginagawa naming exercise
Group messege ng GM si sophia ng gabing yun, dinadaan niya nalang sa pagtext ang sama ng loob? Pero kasalanan niya din yun, kung nauna siyang nagsabi baka siya pa ang magugustuhan ni jacob, simula kasi ng araw na yun mas lalong dumikit si jacob kay charm.
"Bro pinapaasa mo lang si charm, tignan mo nga yung ngiti niya pag kinakausap mo siya"
"Alam ko naman yun, gusto ko lang kasing hindi kami awkward, kaibigan ko din siya, at nasabi kong di ko siya gusto, at may gusto na akong iba"
