no girlfriend since birth ako, nakakahiyang sabihin pero totoo.
minsan na kasi akong na-busted kaya ayaw ko munang manligaw pa ulit. sa limang buwan na niligawan ko siya, nalaman kong may boyfriend na pala siya at pinaglaruan lang ang panliligaw ko, masakit bilang isang lalaki dahil kumbaga sa dota, weak ako. dahil di ko siya napasagot. kaya simula nun, di na ako nanligaw pa. at nag focus sa pagaaral at mga kapatid ko.
supportado ang mga kapatid ko saakin, kaya naman sila ang dahilan kung bakit ako nakamove on agad.
"kuya, gusto ko kung may nanligaw saakin katulad mo at kasing bait mo"
"ako din kuya"
"mga bata pa kayo wag muna ang ganyan, pasensya dahil ang akala ko may gusto din siya saakin, pero promise ko kayo muna ang girlfriend ko hanggang sa matapos ako sa pagaaral pakabait tayong lahat"
2
"dj! may assignment kana ng philosophy?" tanong ni Mary. barkada kong half british. payat matangkad at maputi sobra.
"yup meron na"
and as usual kinopya nanaman ang gawa ko. ganyan sila kaya minsan napapagalitan kami dahil magkakapareho ang gawa.
pagkatapos ng philosophy ay 3 hours ang vacant namin, kaya naman tumambay kami sa patio. nagkwentuhan kami about sa topic naming Love sa socio at inasar si Sophia kay Jacob, wala kasi si Jacob kanina.
"huhu! wala si Jacob ko" isip bata talaga si Sophia, isang chubby na barkada ko, mahabang buhok, minsan kulot minsan straight hair, minsan naka make up minsan hindi. minsan dala ang eyeglass minsan hindi. malabo kasi ang mata tapos ulyanin pa.
"may sakit nga lovenat!" sumbat ko
"puntahan natin sa apartment niya kawawa naman" singit ni mary. dahil 3 hours pa ang klase namin, pumunta kami sa apartment niya. hanga ako kay Sophia dahil kahit di pinapansin ni Jacob ang mga asar sakanila. magkaibigan pa din sila at nagpapansinan bilang magkaibigan.
