napatulala lang siya sa kawalan simula ng araw na yun, awkward na ang lahat, lalo na sa school. di na kami nagpapansinan kasi pareho siguro kaming nahihiya sa isat isa.
may group project nanaman kami , gagawa kami ng isang movie patungkol sa bidasari. syempre ako ang ginawang hari at si sophie si bidasari, kapatid naman ni bidasari ang role ni jacob. kokonti lang ang scenes namin ni sophie pero dama ko ang awkward namin sa isat isa.
alam kong pinangako ko na unahin muna ang pagaaral pero di ko mapigilan ang puso kong magmahal. nasa eksena kami na kung san ang linya ko.
'kahit anong gawin nila sayo andito ako ipagtatanggol ka, at kung maaari gagawin kitang reyna' napatingin ako sa mga mata niyang kumikislap kislap pa. bigla niya akong niyakap alam kong nasa script yun, pero ang tagal naman ata yung yakap na yun. *cut* sabi ni charmaine. director kuno kasi.
nag break muna kami at umupo sa isang tabi, next scene kasi wala kami kaya kinausap ko si sophia.
"galit ka ba saakin so-?" bigla niyang kinurot yung pisngi ko at napaaray ako. ang sakit naman kasi.
"hindi, kung gusto mo ako, ligawan mo na ako papayag ako"
"talaga??" ang saya ko ng mga time na yun, syempre gwapo ako. isang linggo ko siyang niligawan at kami kaagad. mabilisang ligawan pero open kami sa isat isa. ipinakilala ko din sila sa mga kapatid ko at boto naman sila.
minsan pumasyal siya sa bahay at nakihalubiro sa mga kapatid kong babae. masasaya sila at nagpasalamat yung bunso namin dahil magaling daw akong pumili dahil mabait na nga maganda pa. parang si mama lang daw, masungit pag mali ang ginagawa nila. sabi ko naman ganun talaga mali nga kaya nagalit.
masarap magluto si sophia. nagluto ng pansit sotanghon ang sarap pang 5 star restaurant. busog na busog mga kapatid ko.
minsan dito din siya natulog. pinilit kasi ng isa kong kapatid kaya di na siya nakatanggi. di kami magkatabi, silang apat ang magkakatabi. alas onse na ng gabi pero naririnig ko pa din ang tawanan nila. sinilip ko sila at kaya pala sila tumatawa, yung picture ko pinagtripan, baby picture ko nung nasa korea ako, dun kasi ako lumaki. bago naging TNT sila mama at papa.
"ang cute mo pala" pabirong sabi ni sophie
sa akin
"cute noon pogi ngayon" sabi ko naman
naki join na ako sa mga ginagawa nila, pagkatapos ng midnight snack ay