napainom kami ng wala sa oras, pero okay naka isang bote lang, ayaw ko namang umuwing lasing, si bianca nagwawala na , pilit ngang patahimikin ng boyfriend niyang si paul dahil may 'away' sila nung isang araw. si mary naman knockdown at umaalalay nalang yung boyfriend niya, sila jacob at sophie magkatabi pero qwalang imikan, tawa lang. namumula na tong si jacob pero tuloy pa din.
"cr lang ako guys ah" sabi ni sophie, mukhang lasing na kaya pagewang gewang na ang paglalakad.
"samahan na kita so-"
"wag na kaya ko pa" nag smile siya kaya okay bumalik lang ako sa kinauupuhan ko. nagorder pa ng isang bucket si sophie, lagi na ding nagpupunta ng cr si bianca, urge f micturation, kaya lasing na sila.
habang nagkwekwentuhan ng mga ieexam, napunta sa topic si jacob.
"kumusta si miss educ?" biglang tanong ni sophie, pati si mary ay nagising at biglang tumahimik ang paligid.
"ah? yun okay lang" bro ang manhid mo.
"ah kayo na?" biglang singit netong bianca.
"di pa, balak pa nga lang manligaw diba balak pa lang kaya shh" i know na lasing na sila, pero parang ako ata ang nalasing, di ko nakitang tumayo si sophie. pinuntahan ko sa cr pero wala siya, bumalik ako sa table namin at tinanong sila kung nakita ba nila si sophie pero para lang akong tanga, di nila ako pinapansin. mag aalas sais na kasi at umpisa na ang live band. wala akong balak magtagal dito pero inabot ako ng alas sais.