Hi! i'm Samantha Nicole or 'sam, alam ko pong mahirap ang magkaroon ng LDR o long distance relationship, pero dahil sa pasaway ako, napasok ko ang long distance relationship, noong 2009 summer, uso kasi ang 'clan' o mga textmate. May pinasang text si Roger, yung kababata at classmate ko ng elementary, so sinave ko yung message niya sa cellphone ko, mahaba kasi yung message at panay number, noon, nasa bahay ako ng pinsan ko dahil nagbakasyon ako sakanila, at dahil wala din kaming magawa, sinulat ko yung mga number sa isang papel, laon nga ng isang intermediate paper yung mga numbers, pero dahil matiyaga ako, sinendan ko sila ng GM, may mga nagreply at meron namang hindi, sa kalokahan ko, may mga taga mindanao pa akong nakatext.
Pero isang number ang pumukaw sa paningin ko, dahil tinarayan ako sa text.
At bilang "friendly" ako, at ako ang nauna sa pagttxt nagpakilala ako ng maayos, ang pangalan niya ay Albert taga manila at nag aaral sa Green Hills La salle "pati ba naman sa barkada ko nagtetext ka?" Reply niya, ang tinutukoy pala niya noon ay yung kaibigan niyang si Aubrey, dahil nasa tagaytay daw sila nagbabakasyon, kasama ang barkada, sosyal di ako makapaniwalang may mga katext akong mayaman, tuloy pa din ang texan namin, pati na si Aubrey tumawag saakin at nag sorry sa sinasabi ni Albert.
Mukhang mayaman sila kaya nagkainterest akong isearch sila sa FRIENDSTER at oo mayaman sila. Noon ko lang din nalaman na exclusibong paaralan ang la salle kung saan di bababa ng 50k ang tuition fee. Oo Fs palang kasi ang uso noon, di pa uso ang facebook, pero dahil din sakanila, nagkaroon ako ng facebook AUGUST 2009.
At dahil April ngayon, wala akong ginawa kundi, humilata maghapon, magtext at kumain, April 16 naman ay nagpunta ako sa bahay ng pinsan ko para makitulog sa pinsan kong isa, nakakahiya mang sabihin, pero lumayas ako nung time na yun, dahil may conflict kami ng papa ko, hating gabi na nung nakaalis ako, mula bambang to bayombong to solano, malakas pa nga ang ulan noon kaya naman basang sisiw ako ng nakadating sa bahay nila, agad naman akong inasikaso ng pinsan ko dahil basang basa talaga ako, pati na din ang dala kong gamit.
noong time na yun, isang athlete ang nanliligaw saakin taga Saint Jerome's Academy