inihatid na ako ni mayorsa bahay kinahapunan, kinausap niya din ako, kung maaari'y ako muna ang bahala sa mga nakaligtas sa pagbagsak ng eroplanong yun, dahil madami siyang papaimbestigahin at madaming interviews na pagpapaliwanagan ng pang yayari.
wala kasi ang congressman at gobernador dahil nasa china, nag mimeeting raw.
tumango ako at agad naligo pagkatapos akong inihatid.
scholar ako ng bayan, kaya naman malapit ako kay mayor na siyang pinsan ng itay ko, uncle ko siya.
hindi na ako nagpaligoy ligoy pa at agad tumakbo sa ospital pagkatapos naligo.
dahan dahan akong pumasok sa pribadong kwarto ng lalaking nailigtas ko tulog pa din siya. tinitignan ko ang mga sunog niyang balat. ang braso, kalahati ng kanyang noo, at lalo na sa hita, yun ang napuruhan.
nang hahawakan ko na sana yung sugat niya sa paa ay, bigla akong nagulat dahil hinawakan niya ang kamay ko at sabing "sinoka?" napakatamlay na boses, ramdam ko ang hapdi at sakit ng kanyang natamo.
tumayo agad ako ng diretso at sinabing ako ang humugot sa kanya sa eroplano, di ko naman kayang sabihin na ako ang nagligtas sakanya dahil nakakahiya.
gusto niyang maupo ngunit di kaya dahil sa sugat niya, inalalayan ko siya at dahan dahang pinaupo kaunti, naisip kong ipataas nalang ang kanyang unan para di siya mahirapan.
"nauuhaw ako" aniya niya habang nakapikit ang mga mata. nakakaawang lalaki eto, lapnos ang balat.
binigyan ko siya ng tubig at tinanong kung gutom ba siya, umiling lang siya at napapasapok sa ulo niya, para bang nangangati, o para bang ewan lang siya.
"bakit?" bigla kong naitanong, dahil nasasaktan na siya sa kanyang pinag gagagawa sa kanyang sarili. "masakit!masakit!" sigaw lang niya, habang pinapatahan ko ay tumawag ako sa emergency room para tawagin ang isang doctor. para masuri niya ng maigi kung ano ba ang dinadaing ng lalaking eto.