Everyday is so wonderful, ..
Natulog kami ng bandang alas tres na ng madaling araw, at hmm, may instant boyfriend ako ngayong araw. gumising ako ng alas nuebe ng umaga, umalis na din ang mama at papa ng pinsan ko para magwork. Kaya kami nanaman ang naiwan at ang aso nyang si haichi. At syempre dahil sa close ko tong pinsan kong si Leigh ikinuwento ko yung new text boyfriend ko. Kinikilig pa nga siya, dahil bihira daw ang ' i love you ' word pag nagttext ang lalaki. At inamin din niyang nagbasa siya ng mga message ko. Mabuti nalang at nagdelete ako ng sent at old messages, alam ko namang may pagkapakialamero tong pinsan ko minsan.
So i love you ba ang sabi? Abat di ko nabasa yun ah. Eh nag GM na nga pala ako tapos di ko siya natexan.
"I love you, babe Received: 7:42am" 7?am? Ang aga ng gising niya! So 4 hours lang ang tulog? Haneeep!
Agad ko siyang tinexan ng
"Goodmorning, sorry puyat, pinuyat moko eh"
Dahil sa madami akong katext at president ako ng clan, di ko inabala ang sarili ko sa paghintay ng text niya, kasi feel ko namang joke lang ang lahat yung mga texan namin kaninang madaling araw.
After 30 minutes, nakita ko yung name niya sa inbox ko, at excited akong inopen yun.
Nakangiti na ako eh, pero sumimangot agad sa nakita kong blangkong text niya. Tsss! Okay na sana eh! Litsi.
Madami kasi akong narereceive na text araw araw. Pasensya, sikat ang lola niyo, sadyang madami lang akong katext. Madami kasi akong clan, may taga visayas, panggasinan, mindanao, ay jusko kalat ang numero ko all over the philippines.
Meron pa ngang muslim na nagkakagusto saakin daw, online web maker, ginawan ako ng blog. pero chararat, kaya diko nagustuhan.
Meron yung taga Baguio. Niloloadan ako palagi. Kaso di ko din gusto masyadong mabait.
Yun na ata ang load financer ko ng isang linggo, pero kinukuha naman nila Leigh yung mga niloload haha!