Minsan doon kami tumatambay sa bahay nila, dahil malapit lang din ito sa school. Halos sa harap lang ng school.
Paburito kong umupo sa kahoy na upuan malapit sa terrace, bukod sa presko nakakatulog ako pag naupo ako dun.
Pag walang magawa inaayusan ni sophia ang sarili niya, gaya nga ng sabi ko, minsan kulot minsan unat ang buhok, per ngayon ginawa niyang kulot ang buhol niya.
Bumalik nga kami sa bahay nila ng sa kabilang side ng buhok nya ay kulot at yung isa naman unat. Alam niyang manamit, kahit na may pagkachubby siya.kulay red ang paburito nyang sinusuot. Pantaboy daw ng malas.
4
Nang umuwi na ako sa bahay medyo maaga pa kaya naman sinundo ko ang mga kapatid ko gamit ang luma naming owner.
Maganda kasi ito idrive. Paburito naming sakyang magkakapatid.
Sinundo ko sila at nagulat akong sinabi ng bunso kong kapatid "uy inlove si kuya Dee" "naku ako? Eh kayo ang girlfriends ko" niyakap ko sila isa isa, kahit mabantot na sila at medyo maasim pa ay hinigpitan ko silang niyakap.
Trineat ko sila sa isang grill. Nagpadala na din kasi si papa kahapon ng pang allowance namin, every padala may treat.