Chapter 2 (SOS)
Sorry if laging late akong mag-update hehehe
Sana magustuhan niyo ito ^__^
Please comment din kayo para alam ko ang mga reaction niyo Thanks guys and enjoy reading....
Noong bata pa lamang kami, nahiwalay na si Yuki sa amin. Two minutes noong pinanganak siya, habang naghihirap ang Ex-mom ko sa akin, tinakbo na pala siya ng isa sa mga katiwala ng Mommy ko. Ewan namin kong saan niya dinala si Yuki. Pero after eleven years nahanap na siya ng mga magulang namin, nakita siya sa England. Mga British ang nag-ampon sa kanya, kaya may accent siya. Dumating siya sa amin na parang wala sa sarili niya. Lagi siyang tulala, hindi namin siya makausap kasi hindi naman siya nagsasalita. One year siyang ganun, then one day dumating ang isang lalaki, uncle daw siya ni Yuki. Sabi niya sa mga magulang namin na siya muna ang mag-aalaga sa kanya.
After one year, bumalik na siya. Nagsasalita na at tumatawa, hindi namin alam ang ginawa ng Uncle niya pero, malaking salamat sa kanya. Dahil doon, naging close na kaming tatlo at doon nabuo ang SOS. Gagamitin namin yun tuwing kailangan namin ang isa’t isa. Well, si Yuki at ako, hindi pa namin nagagamit yun pero si yumi, ARAW-ARAW-__- isipin mo namang pati maglagay ng toothpaste sa toothbrush niya magpapatulong pa!!
Gumising akoat nakita kong nandito pa rin yung dalawa.
“Bakit nandito pa rin kayo, Sunday na.” sabi ko.
“Tss, sige na ate—er –Yuri. Wala namang pasok ngayon eh.” Reklamo naman niya.
“Tss.” Sabi ko at lalabas na sana.
“Saan ka pupunta?” tanong ni Yuki.
“Sa simbahan.” Sabi ko.
“Bakit?” tanong niya.
“Nadumihan ako kagabi.” Sabi ko. At mentally napafacepalm ako.
“Nadumihan?” sabi nilang dalawa.
“Tss.” Sabi ko at umirap sa kanila.
“So yu mean…..nakipagsex ka?!” hindi nila makapaniwalang sabi at ako rin hindi!!
“Bwesit hindi!!” sabi ko.
“Weehhh..”
“Sasaktan ko kayong dalawa.” Banta ko.
“So ano nangyari kagabi?”
“It was just a kiss.” Sabi at lumabas na.
Kailangan kong alisin yung lalaking yun sa buhay ko, badterp siya. Sinisira niya ang mundo!! Pagkatapos kung magsimba, pumunta muna ako sa mall para mag-grocery dahil siguradong ubos na ang stocks ko sa bahay dahil sa dalawang yun.
“Psst..” makasutusot..aso lang. Hindi ko siya haharapin
“Psst…HOY!” sino bang tinatawag nito. Makaharap na nga lang.
^___^ ---Siya.
-__-Ako.
“Hoy! Ahaha.”
King Clyde’s P.O.V
Wala akong ginagawa ngayon ng makita ko yung babaeng photographer sa kasal ni Kuya Chardan. Ako nga pala si King Clyde Hermosa, ang heartthrob ng alabang. PBB lang ang peg ahahaha. Anyways, pumunta ako sa mall ng makita ko nga itong bababeng ito, kaya tinawag ko siya. Napakanakakainis kasi siya eh, lagi niyang ini-sob ang kagwapuhan ko, kaya ngayon nachallenge ako hehehe.