Chapter 35 (To move on)
Nakatitig pa rin ako kay Fred, hinihintay kong sasabihin niya ang salitang JOKE! Pero napagtanto ko na wala palasa bokabolaryon niya ang salitang yun.
“Why?” Tanong ko sa kanya. Yumuko na lamang siya.
“I just want to talk to you.” Para siyang batang napagalitan ng kanyang ina sa paningin ko. Hinawakan ni King ang kamay ko at bumulong.
“Hayaan mo na siya, kakamatay lang ni Yuki kaya siya ganyan.” Tama, kakamatay lang ng paborito niyang anak. Pero teka? Patay na nga si Yuki ganito pa ang iniisip ko, napakawalang kwenta kong tao talaga, pagkatapos niya akong alagaan.
“Okay.” Sabi ko na lang. Biglang nagliwanag naman ang mukha ni Fred.
“Thank you.” Sabi niya.
“But!” syempre dapat may but.
“What?” nakakunot noong sabi niya.
“You promise you won’t ruin my life anymore?” iba na yung nakakasiguro hehehe. Nagsmile naman siya.
-----------------------
Nakarating na kami sa bahay ni Fred, as usual tahimik at walang kabuhay-buhay. Pumunta ako sa kwarto ni Yumi at naabutan ko siyang umiiyak pa rin. Lumapit ako sa kanya para patahanin.
“Yumi?” tawag ko sa kanya. Tumingin siya sa akin. Sobrang mugto na ng mata niya.
“Yuri, bakit siya namatay agad? Bakit ganun-ganun na lang? Napakabata niya pa hindi ba? Mabait naman siya, pero bakit kailangan niyang mamatay! At sa ganung pangyayari pa!!” sigaw niya.
“Shhhh…..” sabi ko habang hinahaplos ang buhok niya.
“Makakasama sa baby mo yan, kapag nandito si Yuki magagalit yun kasi nai-stress ka. Bawal sa baby mo yun, di ba?” Sabi ko na lang.
“Pero—“ Tanging hikbi na lamang ang narinig ko.
“Tama na, Yumi. Pagod na pagod ka na, kailangan mong magpahinga, okay?” sabi ko, tumango siya at pinahiga ko siya sa kama niya. Ilang minuto rin at nakatulog na rin siya. Malaking kawalan talaga si Yuki.
Lumabas ako sa kawarto ni Yumi at dumeretso sa kwarto ni Yuki, na ngayon ay tahimik, nakapatay rin ang mga ilaw. Sa aming tatlo si Yuki ang may pinakamalaking kwarto kaya dito kami nagtatambay na dalawa ni Yumi, may claustophobia daw kasi si Yuki. Umupo ako sa edge ng kama ni Yuki, kung saan lagi kaming nag-uusap para inisin si Fred, tanging lungkot at pangungulila ang naramdaman ko.
“Bakit ka umalis agad?” Sabi ko kahit hindi naman siya ako maririnig pa.
“Hindi ka manlang nagpaalam. Akala ko ba Bestfriends tayo forever, Yuki. Why did you left us here.” I found myself crying. I covered my face with her pillow, the pillow once she used, her bed, where she lies at night, but now it was empty, no Yuki lying on it at patting my head. I missed her so much, she’s the best older sister I ever had. I hope I said that to her, but now it’s too late.
Why do people realize how important a person was, when they already gone. Why the emotions they feel will burst out when it’s too late to show to. Why they can say good to words to that person when she or he was already gone forever. Why they realize how much they loved that person, when they have no more chance to show it. Non sense isn’t it?