Chapter 17(Goodbye?)
Nakauwi na kami ni Yuri sa condo, kinuha niya agad ang material niya. Ilang beses na kasi siyang absent sa school kaya kailangan niyang bumawi sa school. Nakita ko ang mga ginawa niya.
“Ano yan?” tanong ko.
“Blueprints at plate, silly.” Sabat ni Lara.
“Hindi mo man lang ako hinintay.” Teka aano siya nakauwi at nakapasok?
“Kung iniisip mo kung paano ako nakauwi at nakapasok? Nakaihitch ako sa lalaking nagngangalang Zinc yata yun? At aano ako nakapasok sa condo? Ang dali kasi ng asscode mo!” paano niya nalaman.
“Sh*t!” sigaw ko. Pumunta ako agad sa pinto at pinalitan ang code, dati 0000. Yan kasi ang madalas kong password sa phone ko dati at laging pinapakialaman ni Lara. Madali kasi ang makalimot sa numbers.
“Anong ginawa mo?” tanong ni Yuri.
“Pinalitan yung passcode, bwesit talaga yang babaeng yan.” Sabi ko habang tintignan ng masam si Lara na nanonood ng T.V
“Ano ba yung passcode?” tanong ni Yuri.
“0000” sagot ko. Naningkit naman ang mata niya.
“Wag mo nang subukin pang buksan, pinalitan ko na.” sabi ko.
“Bwesit naman!!” siogaw niya. Bumalik na lang siya sa ginagawa niya.
“Ano nga yan?” turo ko sa papel.
“Blueprint ng garden.”
“Garden? Di ba dapat building ang ginagawa mo?”
“Tss, wag shunga okay? More on landscape ako. For short landscape archi ako.” Paliwanag niya.
“Okay……” lumabas ako sa condo, may tumawag kasi sa akin. Babae siya, hindi ko kilala eh, masama ang tingin nung dalawa kaya lumabas na lang ako. Mahina ang signal kaya umakyat ako hanggang sa makarating na ako sa rooftop. Mukhang walang pumupunta dito.
“Hello?”
(Yes, mister Rayos. Ako po ang secretary ng Daddy niyo.) tss. Anong kailangan niya.
“Bakit?”
(May problema po ang dati niyo ngayon kaya sabi niya kayo po muna angmamahala ng company niyo.)
“What!! Bakit ako!”
(Uh? Dahil nag-iisa kayong anak?)
“Hindi yun!! bakit hindi na lang ikaw! Or kahit na sino dyan?”
(Meron daw po kasing traitor sa company niyo. Kaya po kayo ang in-charge. Sir, malaki po ang tiwala ng Daddy niyo sa inyo, at kayo lang po ang makakasalba sa kanya ngayon.)
“Papayag ako sa isang condition.”
(Ano po yun?)
“Hindi niya ako ipapakasal kay Lara Wyeth. At hindi na niya pakikialaman pa ang buhay ko.”
(Sige po sasabihin ko po sa Daday niyo.)
“Sige.” Sabi ko at in-end ko na. Yes!! Sa wakas malaya na kami ni Yuri!! Agad akong bumaba at pumasok sa condo niya. Teka? May naisip pa ako.