Chapter 29 (Enemy #1)

5 1 0
                                    

Chapter 29 (Enemy #1)

King’s P.O.V

[Namiss ba?]

Well, alam niyo na siguro ang story na nangyari sa amin ni Yuri. Kahit kailan naman hindi siya napalitan sa puso ko eh. Super duper loves ko yun eh. One week na lang at Christmas na, o ha? Balak ko na sanang magpropose sa kanya eh. Pero wala na akong pera….pinangbili ko ng bahay naming dalawa, hindi ko pa yn ipinapakita sa kanya. May engagement ring na ako, pero ayoko naman na basta ko na lang ibigay ito sa kanya. Hindi naman romantic kapag inabot ko lang sa knaya di ba? Dapat may presentation pa eh ahaha. Kaya ito kasama ko si……………..Al. Tapos na kasi siyang magpropose kay Dess, okay na rin naman sila ni Dess. Sila na ulit…? Ewan ? HAHAHA…

“Paano ko ba siya mapapa-OO?” tanong ko kay Al.

“Dapat nga kasi, sincere ka at dapat romantic ang tema.” Napaka-Awkward naman na sa bakla ako humihingi ng payo noh? Pero okay lang yan.

“Kantahan mo kaya siya?” tanong niya.

“Kinantahan ko na siya dati eh…” reklamo ko.

“Mahilig siya sa pictures di ba? Gayahin mo kaya yung ginawa nila, Wifey dati. Yung Mosaic?”

“Ayoko nun, mamaya sabihin niya wala akong creativity.”

“Dami mo namang reklamo eh.”

“Wala ka namang magandang ideas eh. Tawagan na lang kaya natin yung mga girls?”

“Sige na nga.”

 Ilang sandali lang at nagsidatingan na sila, Dess, Yuki at Yumi pati rin si Zaren? Nakilala ko lag si Zaren sa kasal ni Kuya Chardan. AHA! Si Ate Cassandra. Oo na ngayon niyo lang nalaman na may mga kapatid ako ahaha. Ako ang bunso, una si Kuya King Chardan, si Ate Queen Cassandra at ako syempre. Tinawagan ko na si Ate at isang mahabang sermun ang inabot ko sa kanya, pumayag naman na sumama sa gagawin kong pagpopropose, tinawagan ko na rin si Kuya Chardan.

“Hi Sis!” bati ko kay Ate, inirapan naman ako.

“Pasalamat ka I love romatic things.” Sumbat niya.

“Ate ito pala sina, Dess, Al, Yumi, Yuki at Zaren.”

“Hey Bunso!! What’s up.” Grabe naman si Kuya eh..

“Oh Ms. Mellor?”bati ni Kuya kay Zaren. Ngumiti lang si Zaren, napansin ko hindi siya tumitingin sa kahit isa sa amin.

“Start na natin ito, may meeting ako mamayang 1pm.” Businessminded talaga si Ate.

“Alright…” I exclaimed.

Alam mo yung, lahat sila may ideas tapos sila-sila rin ang nagplano pero hindi ko alam ang gagawin kasi sila lang talaga ang may alam ng gagawin,OP ako!!

“Okay na!” sabi ni Kuya habang nakaakbay kay Ate. Ganyan kami kasweet sa isa’t isa.

“Sagot mo Clyde lahat ah.” Sabi ni Ate.

“Ano!!?”

“Sinoba ang gustong magpropose?”

“Ako.”

“Ikaw pala o di sagot mo!” sabi ni Kuya tapos nagtawanan na sila. Badterp sa savings ko lahat kukunin -__- di bale para kay Yuri naman eh. Nagpaalam na kami sa isa’t isa. Naglalakad ako sa mall nang makita ko yung gustong camera ni Yuri, pero meron na siya nito eh? May naisip ako! Yung engagement ring! Dito ko na lang ilalagay sa box ng camera!! HAHA ang talino ko talaga.

Me, Myself and I(The Pontavice Siblings)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon