Chapter 25 (Happy Brokeday to me!!)

6 1 0
                                    

Chapter 25 (Happy Brokeday to me!!)

“Happy Birthday!!!” bati ko kay Yuri. Umagang-umaga nakasimangot na siya.

“Birthday mo ngayon di ba? Bakit nakabusangot yang mukha mo?”

“AISH!! Lumayas ka nga sa harap ko, naaalibarbaran ako sayo eh!!”

“Sungit naman nito. Anong oras pala yung party niyo mamaya?” tanong ko.

“7pm ang start.”

“Anong gustong gift ni Yumi?”

“Ako? Hindi mo reregaluhan?”

“Binigyan na kita ng camera ah!!” reklamo ko.

“Kahit na….” kulit talaga nito.

“Hmmmm….may game kami mamaya, nood ka ah.”

“Ayoko nga!!”

“Di wag!!”

Umalis na lang ako ng condo. Nakakairita talaga yung babaeng yun kahit kailan hmmpf. Ano kayang ireregalo ko kay Yumi?

4pm ang game namin, pero 3:30 nasa gym na ako. Wala na akong klase eh. Magwa-warm up muna ako. Habang nagpapapawis ako biglang dumating si Yuri.

“Akala ko ba ayaw mong manuod?” pang-aasar ko. Inirapan niya lang ako.

“Wala akong klase kaya I’m killing my time here.”

“Drama mo.” biro ko.

“Laro tayo.”yaya niya.

“Wew? Nagbabasket ball ka?” tanong ko.

“Hindi.” Tumawa ako. May naisip ako eh….

“Ganito, kapag nakashoot ka kahit isa lang, reregaluhan kita, pero kapag nakashoot ako ng sampu dapat gagawin mo ang sasabihin ko.”

“Ang daya naman nun.” Reklamo niya.

“Isang shoot ka nga lang eh, ako nga sampu.” Sabi ko naman.

“Ano bang mga kundisyon mo?” usisa niya.

“Dalawa lang naman.” Sabi ko habang iniangat ko ang dalawang daliri ko.

“What is it?”

“Uy….curiousity.” natatawa kong sabi.

“Ano nga kasi…” pilit niya.

“Mamaya ko sasabihin after ng match natin.” Sabi ko at ipinasa sa kanya yung bola.

“Yuri.” Nakangiti kong sabi.

“Oh? Ano na naman?” taray naman-__-

“Wag kang iiyak kapag natalo ka ah?” asar ko sa kanya.

“HA-HA! In your dreams.” Tignan na lang natin. Pinahiram ko siya ng P.E ko para hindi siya amoy pawis mamaya hehe. Nagstart na kaming maglaro.

Tumakbo na siya papunta ring, hinabol ko kaagad siya at inagaw ang bola. Wala namang kahirap-hirap nito ahaha. Nakashoot na agad ako.

“One point. Nine to go.” Sabi ko na nakangiti. She just rolled her eyes. Ipinasa ko ulit sa kanya ang bola. Nagdribble na siya papuntang kabilang ring, hinabol ko ulit siya at inagaw ang bola, nadulas sa kamay ko ang bola, nakuha niya ulit, bumalik siya sa ring. Naman….kapag nashoot niya yan talo na agad ako. Tumakbo ako at inabot ko sa kamay niya yung bola.

Me, Myself and I(The Pontavice Siblings)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon