Chapter 9(Which is Which)
Binuhat ko si Yuri hanggang sa kotse ko, isinakay ko siya sa passenger seat. Hindi niya kasi inaalagaan ang sarili niya, yan tuloy nagkakasakit siya. Nakarating na kami sa building ng condo unit niya. Sumakay kami sa elevator…..may naalala ako ah ahahaha…
“Matulog ka na.” bulong ko sa kanya.
“Hmmmm?” parang wala siya sa sarili eh.
“Ako na bahala sayo.” Kumuha ako ng biogesic sa medical kit niya sa kusina.
“Inumin mo ito.” Hinila ko siya para bumangon.
“Ayaw….nahihilo ako.” Reklamo niya.
“Para gumaling ka na..” pilit ko.
“Ayaw….” Parang bata naman ito.
“Sige….na….”
“Ayaw….”
“Hahalikan kita…”
“ayaw sabi eh.”
“Kailangan mong gumaling…sige ka mawawalan ka ng trabaho…”
“Nasaan yung gamot?” aba….yun lang pala eh ahahaha.
“Oh.” Inilagay ko sa labi niya yung gamot. Ang init ng labi niya. Pagkatapos niyang uminom ng gamot pinahiga ko na siya sa kama niya.
“tulog na.” dumapa naman siya.
Next Day….
Maaga akong gumising…syempre may klase pa ako eh. Nagluto ako ng breakfast….nakailang ulit ako para maperfect ko yung sunny side up. After ng 6 times na pag-uulit medyo okay na rin. Ginising ko si Yuri.
“Ri. Nagluto ako ng almusal. Kain ka ha?” sabi ko.
“K. paki-excuse ako ha?” sabi naman niya.
“Sige, ako na ang bahala. Inom ka ng gamot mo.” paalala ko.
“Opo, doc.” Biro niya. Umalis na ako, pumunta ako sa parking area para kunin ng kotse ko. May nakapark naman na isang pulang kotse sa tabi ng kotse ko. Maganda naman yung kotse, tss. Kaya ko din namang bumuli niya eh. Pumasok na ako sa kotse ko, inilagay ko na ang susi sa para sa ignition ng lumabas ang may-ari ng pulang kotse. Si Zinc, hindi lang siya….may kasama pa siyang babae. Hindi ko marinig ang pinag-uusapan nila, pero ang nakakagulat…….naghalikan sila noong babae. Bwesit tong lalaking to!!!
Lalabas na sana ako para bugbugin tong lalaking ito pero, pumasok yung babae sa pulang kotse at umalis si Zinc, sumakay siya sa elevator. Wag mong sabihing pupunta siya kay Yuri. Tatke!! Hindi ako papayag!!! Lumabas ako sa kotse ko. Sinundan ko siya, hindi ako papayag na saktan niya si Yuri. May sakit siya ngayon dapat alagaan ko siya. Pasara pa lamang ang pintuan ng elevator nakita kong nakatingin siya sa akin, nagsmirk pa siya.
“Sh*t. papatayin kita Zinc.” Bulong ko habang hinihintay kong bumukas ulit ang pinto.
Ding! Bumukas na ang pintuan ng elevator, pumasok ako agad at ialng beses kung pinindot ang number floor ng condo ni Yuri. Nang makarating na ako, in-unlocked ko agad ang pinto at kumaripas na pumasok.
“Yuri.” Tawag ko. Naabutan ko naman na nasa kitchen na ……sila. Ayoko talaga sa mukha nitong Zinc na ito.
“Oh? Akala ko papasok ka sa school?” tanong ni Yuri. Okay na siya.