Chapter 38 (Bring it back)
Hindi na naman tumatawag si King sa akin. Ano ba yan!! Hindi ko na alam ang gagawin ko!! Hindi ko naman mapagbalikan ang mga magulang ko!! Ano ba dapat ang gagawin ko para magkabalikan sila? Si Mommy may bago na, si Daddy, torpe siya.
Nakatanggap ako ng mga text ni mommy after that confrontation, tumawag din siya pero hindi ko sinasagot. Nasaktan kasi ako eh, hindi ko inaakalang makakahanap siya ng iba? Akala ko ba mahal niya rin si Daddy?
“Hi Dad?” bati ko. Nagbabasa siya ng newspaper. Looks normal hehe.
“Hello, sweetheart.” Sabi niya na nakangiti. May naalala ako sa sweetheart na yan.
“May problema ka ba?” Tanong ni Dad. Oo, ang aking ina -___-
“Dad? I need your credit card, debit card.” Sabi ko. Kapal noh?
“Bibilhin mo ba ang eiffel tower?” natatawang sabi ni Dad. Iniabot naman niya sa akin ang mga hiningi ko. May naisip akong bright idea.
“Thanks, Dad. And you’re GENIUS” Sabi ko at hinalikan ko siya sa cheeks. Yey! Di na awkward.
“Okay! Promise me na hindi mo ilulubog sa utang ang Pontavice company ah!” biro ni Dad at tumawa pa siya. Awwww….ngayon ko lang siya nakitang tumawa na nasa harap ko. Umalis na ako at pumunta sa banko hehe. Naglabas akong maraming maraming pera, bakit? Basta…..
“Are you sure to this, madame?” sabi nitong lalaking head dito sa Eiffel tower. Ire-rent ko kasi itong buong tower, mula 7pm hanggang 12 midnight hehe.
“Yes.” Maikling sagot ko. Ang hirap kayang kausap ahaha.
Ang kailangan ko na lang gawin ay papuntahin ang aking mga magaling na magulang dito, mamayang 7pm. Tinawagan ko na rin si honey at Yumi, sinabi ko na rin sa kanila ang plano ko. Dahil maaga pa naman, pupunta muna ako sa jewelry store para bumili ng engagement ring, para sa mga magulang ko HEHEHE…
“How much is this?” turo ko doon sa simpleng ring. Manipis lang siya pero masasabi kong maganda naman.
“100,000 euro.” Say what? Hindi naman siguro magagalit si Dad sa mga binili ko gamit ang debit at credit card niya di ba? Hehe.
“Okay, I’ll buy it.” Sabi ko. Pinaayos ko na rin yung packaging para preapred na later. Si honey at Yumi naman ang nag-aayos pa sa Eiffel tower at about kay Dad hehe. Ako na ang bahala kay mommy.
FAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAAASsssssssssssssstFORWARD
“Shhhhh….wag kayong maingay!” rekamo ko dun sa dalawa. Tatawagin ko na kasi si mommy. 7pm na at papunta na rin si Dad dito bale kaming tatlo lang ang nandito hehe.
(Hello! Yuri! I’m sorry, dear. I’m really really sorry.)
“Mom! Relax.” Pagpapakalma ko sa kanya.
(D’you forgive me?)
“In one condition.”
(You sound like your father…what is it?) bored niyang sabi.
“Meet me here at Eiffel Tower. NOW!” sabi ko.
(Now? But--) pinutol ko na ang sasabihin niya.
“I’ll die. If you won’t come.” Banta ko. At pinatay ko na. Ang gagawin na lang namin ay……….