Chapter 23 (Bitterness)

6 1 0
                                    

Chapter 23 (Bitterness)

Monday na, wala akong ganang pumasok sa school. Hindi pa rin ako makamove on sa nakita ko sa California.

“Yuri…..papasok na ako ah.” Oo, dito pa rin ako sa condo ni Honey ako nakatira. Miss ko na yung condo koT__T

“Sige..” sagot ko.

Nang makaalis na si Honey, naligo na ako at nagbihis. Lumabas ako at pumunta sa rooftop. Natatawa ako sa sarili ko, inubos ko ang panahon at pagod ko sa wala. Ginawa ko ang garden na ito para sa taong pinakamamahal ko, na akala ko hindi niya ako sasaktan peroparehas lang sila ni Zinc. Pero ang isang bagay na natutunan ko sa kanya? Wag maging manhater, dahil ngayon siya lang ang dapat kong kamuhian. Pero ngayon….hahayaan ko ang puso ko na masaktan sa ginawa niya, na maalala lahat ng pinagsamahan namin. I will savor every sweetness and I will drain it after, but I will save the bitterness, para maging pundasyon ng muling pagtayo ko. King Clyde Hermosa, you messed up with the wrong girl. Biglang bumuhos ang ulan.

“Binasbasan na ba ng langit ang desisyon ko?” natatawa kong sabi sa sarili ko.

“Déjà vu .” Nanatili lang ako sa rooftop. Hanggang sa tumila na ang ulan, hindi ko napansin, madilim na pala. Nanginginig na ako sa lamig.

“BALIW KA TALAGA!!” sigaw ng isang lalaki sa likuran ko. Si Honey. Tumawa lang ako ng mapait.

“Nakamove on na ako!!” nakangiti kong sabi.

“Move on!! Paano? Sa pagbababad sa ulan. Tinawagan ko mga kaibigan at mga kapatid mo!! dito lang pala kita matatagpuan!!”

“Shhhh….quiet.” sabi ko sa kanya at bumaba na. Napadaan ako sa condo ko. Dito nag-umpisa ang lahat ng pagmamahalan na nabuo dati, babawiin ko ito mula sa kanya.

-------

Kakagising lang namin ni Honey nang may nagdoorbell. Patakbong binuksan ni Honey ang pinto, habang ako ay papunta sa kusina para magluto ng almusal. Papasok ako sa school ngayon hehe.

“Morning. Pasok ka muna.” Narinig kong sabi ni Honey. Nagsusuot ng T-shirt si Honey.

“Honey!!” sigaw ko.

“OH?” sigaw niya rin.

“Anong gusto mong almusal?” tanong ko.

“Egg and Bacon. Dagdagan mo na rin kasi may bisita.” Sabi niya. Bisita? Sino naman yun? Ang aga-aga eh…. Pumunta ako sa living room para makita kung sino yun.

“Ano palang kailangan mo pare?” tanong ni Honey. Nakatalikod sa akin yung bisita niya.

“Kasi…may mga putik sa labas ng condo ko, papunta yun dito sa condo mo.” sabi nung lalaki.

“Honey?” tawag ko. Humarap silang dalawa sa akin.

Silence…………

…..

…..

…..

…..

…..

Si King. Bakit naman siya nandito. Napansin kong nakatingin siya sa katawan ko. Dahan-dahan kong isinara ang robe ko. Naiilang na ako kapag nakikita niya akong nakaganito.

Me, Myself and I(The Pontavice Siblings)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon