Chapter 10 (I’ve seen it in two eyes)
Yuri’s P.O.V
Nagpaalam ako kay King na lalabas ako, magha-hang-out kami nila Dess at Al. Pumunta kami sa salon, at susunod naman ang shopping hehehe.
“Gosh!! Pagod na pagod na ako Hubby.” Singhal nitong Dess.
“Sino ba kasing nagsabing magheels ka!” pagtataray naman nitong baklang ito.
“Ehhhhh…para maganda ako.” Sumbat naman nitong isa.
“OP na ako.” Sabi ko at inirapan sila.
“Bitter ka lang kasi Single ka ahahaha…” tawa lang kayo.
“Hindi kaya. Kami na ulit ni Zinc.” Proud kong sabi. Nanlaki ang mata ni Dess.
“Zinc? As in yung Zinc Rayos?” tanong niya.
“Sino yun?” singit nitong Al.
“Long story, Hubby. Mamaya ka na umepal. Ikaw babae mag-paliwanag ka sa akin.” Turo ni Dess sa akin, sinabi ko naman sa kanya lahat. Bestfriend ko yan eh.
“Ako naman ngayon ang OP.” pagtataray nitong bakla.
“Shhhhut up, Hubby. Then? Kayo na talaga ULIT!!” masayang sabi ni Dess.
“Yup ^__^”
“Wow!!! Asan na siya? Bakit hindi mo siya kasama?”
“Busy daw siya sa company nila.” Paliwanag ko habang papasok sa isang department store. Nagawi ang mata ko sa katapat na store. Kamukha ni Zinc yun ah?
“Wait lang ah..” paalam ko sa kanila. Lumabas ako sa store na pinasukan namin at lumapit sa kabilang store.
“Sh*t si Zinc nga.” I cursed. May kasama siyang babae at tinutulungan niyang isukat yung Shoes. -__-
Si Mags pala yung girl T_T
Akala ko ba wala silang relasyon? Niloloko lang ba akong lalaking to….bumalik ako kay Dess at Al.
“Uwi na ako, masama ang pakiramdam ko.” Sabi ko at binitbit ko na ang mga paperbag.
--------
Nagdoorbell na ako sa unit ko. Medyo matagal nga lang buksan ni King, pero wala ako sa mood para pagalitan siya ngayon. Nakita kong naka-Apron siya. Natawa tuloy ako.
“Pfft-ahahaha…bakit ka naka-Apron?” turo ko sa Apron niya.
“Naghuhugas ako ng pinggan.” Sagot naman niya. Biglang nagseryoso yung mukha ko.
“Ilan na ang nabasag?” tanong ko.
“Wala. Tss, alis ka na nga dyan.” Sabi niya at tinulak niya ako, mahina lang….
Inilapag ko ang mga paper bag sa coffee table at pumunta sa kitchen. Naabutan ko naman na abalang naghuhugas ng pinggan si King.
“Bakit?” tanong niya.
King’s P.O.V
Kanina pa siya nakatayo lang sa likod ko, hindi naman siya nagsasalita.