Chapter 40 (The End Part 2)
“Because….. I’d realized how’d you mean to me, I realized that I really love you.”
Ewan ko pero nanigas ako sa kinatatayuan ko. Hindi ko alam ang irereak ko o sasabihin ko. Nakatitig lang siya sa akin, naghihintay ng ano bang gagawin ko.
“Wala ka bang sasabihin?” tanong niya.
“Ha…Eh…..” Ano bang sasabihin ko?
“Yuri!! Halika na!” bigla na lang sumulpot si Dess at hinila ang kamay ko.
“ ‘Wag kang lalapit sa kaibigan ko!” banta niya kay Zinc.
--------
“Ano bang meron?” tanong ko.
“Speech na ni King.” Yun lang pala eh.
“So?” mataray kong sabi.
“Grabe! Napakasupportive mo?!” sarkastikong sabi niya.
“Good Evening Everyone! Thank you sa pagdalo niyo sa pinaka-special na event ng buhay ko….” Birthday niya ba?
“Sa lahat ng mga katulad kong businessman, marahil ay blah blah blah…” ano ba yan, katulad na niya si Dad kung magsalita, puro business business na siya tss. Hindi na lang ako nakinig sa kachurvahan niya. Kumuha ako ng wine at ininom ko, natural! Alangang ipanligo ko!!
“Hi, Miss Pontavice, congratulation.” Sabi nung isang middle age na lalaki. Congratulation? For what? Tatanungin ko na sana yung lalaki kung bakit niya ako kinongrats eh kaso narinig ko ang pangalan ni dad na binanggit ni King.
“Mr. Pontavice, alam naman po natin na nagkaroon ng di pagkakaintindihan ang ating pamilya, and I’m so happy na business partner na po ulit ang ating company. But sir, hindi po business proposal ang inaalok ko sa inyo. Hindi po ito share sa company namin o company niyo….” Bago ulit siya magsalita, tumingin siya sa akin at talagang nahanap na niya ako agad huh? Dami kayang tao!!
“Sir….Ahem!” ngumiti muna siya sa akin at humarap ulit kay Dad.
“Can I have your daughter for the rest of my life~~~~” he sang!!!
“Say yes! Say yes! ‘coz we need to know!!” Tuloy naman ng mga kaibigan namin. Napalingon ako sa kanilang lahat. Sabay-sabay silang tumawa at umiwas ng tingin sa akin. Teka ano ulit yung sinabi ni King?
‘Can I have your daughter for the rest of my life~~~~’ what does he mean??? Tumingin ako kay dad at kay mom na tuwang-tuwa sa kanta ni King. Nag-thumbs up naman silang dalawa kay King.
“What the!!” Ano yun nagpropose siya sa mga magulang ko lang?!!!
“And now….” Biglang namatay ang ilaw. At ako lang ang may spotlight at si King. Ayos!! Grabe sobrang ayos!! Lagot ka sa akin lalaki ka!!Argh…
“Ms. Jealous girl,” bumaba si King sa stage at naglakad sa redcarpet. May redcarpet pala!!!
“Ms. BP, Ri and my only beloved Princess. Sorry, pilit talaga kitang iwasan para di mo mahala itong plano namin para sayo hehehe” Nakatayo na siya sa harap ko. Nakatitig lang ako sa kanya, hindi ko alam kung matutuwa ako o mananapak na.
“Sorry sa lahat, sorry dahil iniwan kita dati. Sorry dahil napaiyak na kita, sorry talaga. Salamat sa paghihintay mo sa akin. Salamat dahil nagtiwala ka sa akin. Salamat dahil minahal mo ako ng sobra-sobra-sobra-sobra!! Yuri Pontavice. Even death can’t make us apart. Do you remember at the park? When we vowed to each other? And I gave you a bermuda grass ring? I told you that I will give you a real engagement ring. And for the third times, I’d proposed to you, Yuri. I know, you don’t believe in fairytales and happy ending, and I know you don’t believe in FOREVER. But right now, I want you to experience a happy ending, no let me rephrase that, happy life without ending. So now, Yuri Pontavice, be with me forever and be my Queen.” Hinawakan niya ang kamay ko at may kinuha siya sa bulsa niya. Bagong engagement ring. Lumuhod na siya sa harap ko while offering the ring.