Chapter 32 ( My Romeo )
Yuri’s P.O.V
Umiiyak akong umuwi sa bahay namin, nakasalubong ko si Yuki at agad ko siyang sinampal. Ano ba talaga ang problema ng babaeng ito at lagi na lang niyang ginugulo ang buhay ko.
“Bakit mo ba ako pinapahirapan ng ganito, Yuki. Lagi mo na lang inaagaw ang gusto ko!!” sigaw ko sa kanya.
“I-I…need to go.” Yun lang ang sinabi niya at umalis pa siya, pumunta siya sa kwarto niya. Ganyan naman lagi siya eh, nagtatago!!
“Yuri!!” sigaw ni Fred.
“Ano bang nangyayari sayo?!” nakasigaw pa rin siya. Inirapan ko na lang siya at umakyat sa hagdan.
“Wala ka na ngang kwentang ama, wala ka pang alam sa aming mga anak mo! Well, ewan ko nga kung anak mo talaga kami. Dahil sa kilos mo? Mukhang hindi eh.” Sabi ko at pumasok na sa kwarto ko.
Akalain mo nga naman desperas na pala ng pasko pero ganito pa rin ang ayos ng bahay namin. Walang christmas ornaments, purong mamahaling bagay lang na binili ni Fred mula sa ibang bansa.
“What a creep.” Bulong ko sa sarili ko habang nakatingin lang sa pagkain ko.
“Ano yun?” tanong ni Mom.
“Wala, Mom. Napaka walang kwenta lang kasi ng bahay na ito eh.” Sabi ko at tumawa pa ako.
“What do you mean?” tanong pa niya.
“Christmas na mamaya. Pero wala namang christmas spirit sa bahay na ito. What a digusting!” sabi ko at parang ginagaya ko ang tono ni Fred.
“Anong gusto mo? Magdecorate tayo?” tanong ni Fred.
“No! Baka mapagod ka pa!” sabi ko with a smirk.
“Nawalan na ako ng gana.” Sabi ni Fred at tumayo na siya. Nagsialisan na rin ang mga kapatid kong walang kwenta, magsama silang lahat. Aakyat na rin sana ako nang marinig ko ang boses ng isang babae.
“Where’s Fred?” tanong niya. Nagpantig agad ang tenga ko at hinarap siya.
“IDK and IDC. If I were you, kick your butt out of here.” Mataray kong sabi. Pagkatapos kong sabihin yun dun ko naman naoansin si Yuji na nahihiya sa ginagawa ni Cecil.
“Shut your dirty mouth. After Fred and I get married? You’re the one I will kick out of this house.” Sbai niya rin. Nagcrossed arms ako.
“No need. I don’t want to butt in to this house. It’s all yours.” Sabi ko at iniwan ko na siya. Bakit nga ba inglisera yung babaeng yun? Mafeeler lang yata talaga siya?
Pumasok na ako sa kwarto ko., wala pa ngang dalawang minuto may kumatok na agad.
“Sino YAN!!” sigaw ko.
“It’s me. Yuji.” Pakilala niya.
“Come in.” sabi ko. Binuksan naman niya ang pinto. Nakalong sleeve siya na black at nagmukha siyang teenager sa itsura niya ngayon. Nakayuko lang siya hindi siya tumitingin sa akin.
“What do you want?” sabi ko. Hindi pa naman ako matagal na cigarette user pero hinahanap na ng labi ko ang lasa ng nicotine.
“I…I just want to say sorry.” Tumaas ang kilay ko sa sinabi niya.