Chapter 31 ( Runaway with you )

6 0 0
                                    

Chapter 31 ( Runaway with you )

“Eat.” Mariin na sabi ni Dad.

“Wala akong gana.” Naunang sabi ni Yuri.

“Ako din.” Sabi ni Yuki.

“Ako rin po.” Sabi ko.

“Ano bang nangyayari sa inyo?” tanong ni Mom.

“Wala Mom, gusto ko na pong magpahinga.” Sabi ni Yuri.

“Magpahinga? Are you crazy? It’s 6am in the morning and you’re tired?!” sarkastik na sabi ni Dad.

“Para malaman mo Fredrek Pontavice. Pagod ako kakaiyak kagabi at halos wala akong tulog. Pagod din ako kakaisip sa mga taong walang kwenta sa mundo. May listahan na nga ako ng mga walang kwentang tao eh, nasa number one ka!” sarkastikong sabi ni Yuri kay Dad.

“How dare—“ hindi na natapos ni Dad ang sasabihin niya ahil inunahan na siya ni Yuri.

“Me? How dare you Fred. You always messing everything!!” tumayo agad si Dad at sinampal si Yuri. Pero imbes na umiyak siya tumawa siya ng mapait.

“Hobbymo na ba ang manampal ng babae ngayon?” nanlaki ang mata ni Dad sa sinabi ni Yuri.

“Kung tapos na tayong magplastikan here as a family? Can I GO to MY ROOM?” sabi niya. Walang sumagot kaya umalis na lang siya. Padabog siyang umakyat sa hagdan.

“Excuse me po Mr. Pontavice, may naghahanap po kay Ms. Yumi.” Sabi ng secretary ni Dad.

“Who?” puzzled na tanong ni Dad.

“Si Mr. King Charlie daw po.” Napasinghap ako ng banggitin niya ang pangalan ni Charlie.

-----

Kanina pananginginig ang tuhod ko at basang-basa ng pawis ang palad ako, grabeng kaba ang nararamdaman ko. Hinawakan ni Charlie ang mga kamay ko.

“Don’t worry.” Sabi niya sabay ngiti sa akin. Nasa loob kami ng office ni Dad.

“Ehem.” Sabui ni Dad nang makapasok na siya sa loob.

“Anong kailangan mo dito?” walang ganang sabi ni Dad habang umuupo sa chair niya.

“Gusto ko po sanang pakasalan ang anak niyo.” Walang pag-aalinlangang sabi ni Charlie.

“Charlie…” sabi ko habang nakatingin sa kanya. Binigyan niya ulit ako ng matamis na ngiti.

“Yumi, lumabas ka muna.” Utos ni Dad.

“Pero Dad…” sabi ko.

“Sumunod ka na lag Yumi.” Sabi ni Charlie, he gave e an assuring smile.

“Okay.” Sabi ko at lumabas na.

Ilang minuto o oras na yata ang lumilipas pero wala pa ring lumalabas sa office ni Dad. Ano ba kasing pumasok sa ulo ni Charlie at ginawa pa niya ito. Okay lang naman na ako na ang magpalaki sa magiging anak ko, dinadamay pa niya ang sarili niya sa kagagahang ginawa ko.

“Yumi.” Nagitla ako nang marinig ko ang boses ni Charlie.

“Charlie, anong nangyari? Nagalit ba siya? Binantaan ka ba niya..? Sabihin mo!!” natatakot ako para sa kanya eh.

Me, Myself and I(The Pontavice Siblings)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon