Chapter 18 (Rescued)
Yuri’s P.O.V
9pm na ng gabi ng may dumating na mga bisita. Isang lalaking nakablack jacket at isang babaeng mukhang nurse.
“Ma’am? Dito po ba nakatira si Yuki Pontavice?” tanong nung babae.
“O-opo.” Natatakot kong sabi. Ano kayang nangyayari?
“Ummm….kasama po namin si Ms. Yumi Pontavice.”
“Kambal namin siya!! Nasaan siya!!” sigaw ko. May halong takot at saya.
“Nasa labas po nasa ambulansya.” Sagot niya. Sumunod naman ako sa kanila palabas ng bahay ni Yuki.
“A-anong na-nangyari sa kanya?!!” nanginginig kong tanong. Pumayat si Yumi at halos hindi na makilala dahil namamaga ang mukha niya.
“Gusto niyo po bang dalhin siya sa hospital?” nurse siya di ba? Dapat alam niya ang gagawin.
“Sige. Dalhin natin siya sa hospital.” Sabi ko at pumasok na ako san ambulansya. Nangmakarating na kami sa Emergency Room, agad na nilagyan si Yumi ng dextrose. Sabi ng doctor sa akin, puno daw ng chemical ang katawan niya.
“Ano po bang nangyari sa kapatid ko?!!” sigaw ko sa doctor. Nasaan na basi Yuki, wala akong karamay dito, wala din si King. Kawawa naman ako.
“Puro drugs po ang nakikita namin sa mga test. Yung iba po through injection kaya nakalagay po sa dugo niya at yung iba naman po eh capsule siya but it didn’t disolved in her stomach. Much better kung isusuka niya yun or ooperahan na lang namin siya.”
“OOPERAHAN!!” sigaw ko na naman.
“Calm down, Younglady.” Sabi ni William. Andito pala ito.
“A-ano bang mangyayari kapag hindi niya nailabas lahat ng yun?” tanong ko. Medyo kalmado na ako.
“Magiging poison po yun sa katawan niya at ikakamatay niya.” Nanlaki naman ang mata ko sa sinabi ng Doctor. Mahal ko si Yumi kahit hindi halata, ayoko siyang mamatay sa ganyang kondisyon at ganyan pang kabata.
“Wait, Ms. Yuri. I need to call Younglady.” Sabat naman ni William. Tumango naman ako. Lumayo siya ng ilangmetro sa akin. Ilang minuto ang nakalipas ng mag-usap sila.
“Younglady. We need to take Yumi back home.” Ano?!! Hindi pa nga siya maayos ah!!
“Why!”
“No Question. Just bring her home.” Sagot nung isang babaeng hindi ko naman kilala. Humarap si William.
“Younglady.” Bati ni William. Ilan ba ang tinatawag ni William na Younglady? Nakakalito ah?!
“And who are you?!” mataray kong sabi habang nakacrossed arms pa.
“Just a good samaritan.” Ayos ah.
“How could I be sure that I can trust you?” iba na ang panahon ngayon noh?
“Do what I say, Yuri Pontavice. Your Twin sister was in danger. What’s more important…..me or you sister.”
“My sister of course.” Tumango lang siya. Parang kilala ko siya pero hindi ko siya mamukha ah.
“Hey! Who are you by the way?”