Chapter 5 (Her secrets revealed)
Medyo mahaba ito pero....sana magustuhan nyo ^___^
Yuri’s P.O.V
Paggising ko, inis agad ang naramdaman ko. Potek!! Bakit kasi tatanga ako eh, nauto na naman ako. Pagkatapos kung naligo, nagtoothbrush na ako. Busy akong natotoothbrush ng naisip ko na hindi pala ako pwedeng lumabas ng condo dahil pinalitan nung gagong yun, yung passcode ko. Napatigil ako sa pagtotoothbrush at napatitig sa repleksyon ko sa salamin. Eyebags…at super hagard ng face ko. Nabigla ako ng may narinig akong kalabog sa living room ko. Tumakbo agad ako at nakita ko ang dalawang maleta? Teka? Nagsleep walk ba ako kagabi at nag-impake? Hindi naman siguro.
“Morning!” bati sa aking ng isang anghel este demonyo pala.
“Bakit ka nandito?” tanong ko.
“Ummmm…siguro tapusin mo muna yang pagtotoothbrush mo, tapos magpapaliwanag ako.” Sagot niya. Kumukulo na naman ang dugo ko. Padabog akong pumunta sa kusina para tapusin ang pagtotoothrush ko.
-------
“Explain.” Sabi ko sa kanya habang sitting handsome siyang nakaupo sa sofa KO at humihigop ng kape KO.
“Oh yeah. Umm….naisip kong tumira dito kaya lumipat ako.”
“So ganun!! Kapag naisip mong lumipat sa condo KO ang takbuhan mo! HOY LALAKI! Hindi ito hotel!! Kaya LUMAYAS KA!!” sabi ko sa kanya. Tumingin lang siya at napakunot noo.
“Honey….hindi ka makakaalis dito ng wala ako. I am the key.” Sabi niya at nagsmirk pa siya.
“tss, ano ba kasi yung passcode.” Sabi ko na nakacrossed arms pa.
“Ayoko ngang sabihin.” Sabi niya.
“Condo KO ito!!” sigaw ko.
“Correction NATIN.”
“Natin? Kailan pa? binayaran mo ba ito hindi, di ba? Sarili kong paghihirap to.” Sumbat ko sa kanya. Nagkibit-balikat lang siya. Bwesit talaga tong lalaking to.
Two hours, two hours na kaming hindi nagsasalita, pakialam ko sa kanya. Wala din siyang pakialam sa akin, busy siyang nanonood ng cartoons, bagay sila ni Yumi.
“Magluto ka na.” wow kung makautos.
“Gutom ka? O di magluto ka mag-isa!!” sumbat ko.
“Tss, wala kang magagawa. Kapag lumabas ka hindi ka na makakapasok NG walang tulong KO.” Sabi niya. No choice!!
“Oo na. Kaya nga KING ang pangalan mo, bagay sayo.” Inis kong sabi.
“Don’t worry ikaw naman ang Queen ko.” Pang-aasar niya.
“Che! Tumahimik ka kung hindi lalasunin kita.” Banta ko.
“Kapag namatay ako, wala ka ng condo.” Kunwaring malung na sabi niya.
“Tss, patayin kita dyan eh.” Bulong ko.
“Ano?” sigaw niya.
“Wala! Sabi ko magluluto na ako.” Kainis. Saan kaya siya may allergy? Hmmmm….ano bang meron sa ref ko. Gulay. Gulay. Gulay. Walang meat! Tss, kainis naman. Hindi na pala ako nakapag-grocery.