Chapter 15 (Evil plans)

9 1 0
                                    

Chapter 15 (Evil plans)

Zinc’s P.O.V

Kailangan kong isalba ang company ng family ko. Ang company ng mga Pontavice ang pinakatanyag sa lahat ng Construction firm. Palubog na ang company namin, wala akong magawa kung hindi ay gamitin ang mga anak ng mga Pontavice. Alam ni Mags lahat ng ito, alam niya rin na pera lang ang kailangan ko kay Yuri. Si Mags ang mahal ko, simula pa noong high school kami. Napagtripan niya lang si Yuri, mahal ko siya kaya ginawa ko ang gusto niya.

“Ano may pera ka na ba?” tanong ni Mags.

“No. Alam mo naman na pinagbantaan na ako ng kambal ni Yuri.” Sabi ko at uminom ng alak.

“Tss, ang hina mo talaga kahit kailan.” Yan lang ang mahirap kay Mags. Kung ano ang gusto niya dapat masunod.

“Wag kang mag-alala. Makukuha ko rin ang tiwala ng mga Pontavice. Makakakuha din ako ng share sa company nila.” Sagot ko.

“Si Cecil ang bahala sa atin.” Si Cecil ang nag-uutos sa akin kung ano ang gagawin ko. Hindi ko alam pero, galit siya sa sarili niyang pamilya. Tita siya ng mga Pontavice triplets.

-----

“So what’s your plan?” tanong ko kay Cecil.

“Destroy that Pontavice siblings. If they all wasted, all their money will be mine.” Mas gahaman pa pala ito eh.

“But how?”

“Take them one by one.”

Yumi’s P.O.V

Pumunta ako sa bahay ni Chrys, may party daw kasi kaya gusto niya akong isama at maipakilala narin sa mga kaibigan niya. Nang makarating na ako bahay nila, dinig ko na agad sa labas ang malakas na sounds mula sa loob. Nagdoorbell ako pero hindi naman yata ako maririnig ng kahit na sino. Pumasok na ako at naabutan ko ang lalaki’t babae na naghahalikan sa gilid ng pintuan. Dahan-dahan akong dumaan sa gilid nila. Nang nasa loob na ako, maraming tao na pala ang nandito. Marami ang nag-iinuman, may mga babaeng sumasayaw sa mesa, may naghahalikan din sa kung saan saan.

Habang nakikipagsiksikan ako sa mga taong nagsasayaw, may biglang humigit sa akin. Hinila niya ako hanggang sa corner ng living room, itinulak niya ako sa pader at pilit na hinahalikan.

“Lumayo ka sa akin!!” tulak ko sa kanya.

“Dude!! Akin yan.” Isang boses ang narinig ko malapit sa amin.

“Chrys. Sayo pala itong chick na ito? Sorry.” Sabi nung lalaki.

“Umalis ka na nga!” sabi ni Chrys. Nagmamadali namang umalis yung lalaki.

“Halika. Sumama ka sa akin.” Hila niya sa akin.

Dinala niya ako sa kitchen. Pinaupo niya ako sa counter ng kitchen nila. May kinuha siya sa ref, alak.

“Oh. Inumin mo ito.” Sabi niya.

“A-ayoko.” Sabi ko at tinulak ko yung bote ng alak sa kamay niya.

“Tss, isa lang.” pilit niya.

“Ayoko.” Pagmamatigas ko.

“Tss, alam ko na ang gusto mo.” sabi niya, bumalik siya sa ref at may kinuha. Nagtagal muna siya sa ref at bumalik sa tabi ko.

“Oh!” abot niya sa akin ng Royal Milktea. Ngumiti naman ako.

Me, Myself and I(The Pontavice Siblings)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon