Chapter 24 (Fiancee?)
Halos hindi kami nag-uusap ni Honey simula noong nangyari yung komprontasyon namin. Malapit na ang birthday ko…..bakit ganito ang nangyayari sa lahat ng taong nasa paligid ko -__-
Pumasok na ako sa school at nakita ko si Dess na mugto ang mata. Hindi niya kasama si Al? ano na namang ang nangyari sa dalawang ito. Lumapit ako sa kanya.
“Dess?” tawag ko sa kanya.
“Oh…hi?” sabi niya. She smiled but it didn’t reach her eyes.
“What happened?” she looks away.
“Al.” she said quietly.
“What did he do?” I said while rubbing her back.
“I think…..he’s going to break up with me.” Then her tears started to flow at her cheeks. She puts her palm to her face to hide her face.I just hugged her.
“D’you want to talk about this at private place?” I said. She nodded.
------
“May iba siyang girlfriend.” Pag-uumpisa ni Dess.
“G-girlfriend?” hindi ako makapaniwala!!! Si Al? eh ang hirap ngang pinasagot ni Dess yun eh.
“Di ba? Engaged na kayo?”
“Engaged lang kami, Yuri!! Pero hindi kami kasal.”
“Dess….si Al andito.” Pagpuputol ni Michelle, yung dating katulong niya sa probinsya kung saan sila nagkita nila Al.
“Anong kailangan niya?” tanong ni Dess habang nagpupunas ng luha.
“May importante daw siyang sasabihin.” Lalo namang napaiyak si Dess.
Alam kong natatakot siyang harapin si Alfredo. Bakit kaya…..anong nangyayari!! Bumaba na kamig dalawa sa Living room para harapin si Al. At hindi ko inaasahang kasama niya si King, pero may kasama siyang amerikanang babaeng sobra kung makakapit sa kanya.
“Dess?” may pag-aalala sa tono ni Al.
“Anong kailangan ko.” Sabi ni Dess. She’s trying to hide her sob.
“Ummmm….pwede ba tayong mag-usap….” Tumingin siya sa akin.
“Na tayong dalawa lang?” sabi ni Al. Napayuko na lang si Dess.
“Sige, sumunod ka sa akin.” Nasa bahay kami ni Dess. Marami na rin kaming pinagdaanan sa bahay na ito. Dito siya muntik magahasa ULIT!at dito rin siya nagsuicide, dito rin ba makikipagbreak si Al?
“Alis na ako, Dess. Umi na ako.” Paalam ko.
“Hindi…please, Yuri. Hintayin mo muna ako.” Pakiusap ni Dess. Hindi naman ako ma-hindi sa kanya eh.
“Sige.” Sabi ko. Bumaba na ako sa Livig room. Napaka-AWKWARD ng lugar na ito ngayon. Kitams, kasama ko ang EX KO at kasama niya ang BAGO NIYA!! Wowness. Hindi ko feel ang presence dito kaya tumayo ako para pumunta sa kusina.
“Saan ka pupunta?” tumayo yata ang balahibo ko nang magsalita si King.
“Sa kusina.” Sabi ko.