Chapter 28 (I’m back)
8pm na ako nakauwi sa bahay ni Yuki. Pag-akyat ko ng hagdan naririnig ko ang tunog ng violin at piano. Marunong tumugtog si Yuki ng mga instrument na yun, oh di ba? Sosyal? Habang naglalakad ako palapit lalong lumakakas ang tugtog. Nasa tapat na ako ng music room niya. Sino naman kaya ang kasama niyang tumutugtog? Kumatok muna ako, natapos na yung tugtog. Pumasok ako at nakita ko siyang nakatalikod sa akin, madilim, hindi nakaswitch ang ilaw.
“Yuki?” tawag ko. Ibinaba niya ang violin na nasa balikat niya.
“Yuri?” tawag niya. Dahan-dahan siyang humarap sa akin.
“Sorry—“ sabi niya at bigla siyang natumba sa kinatatayuan niya. Ano ba yan, hindi pa nga ako binabati ni Yuki ng Welcome Home. Tapos ito ang gagawin niya sa akin. Agad kung tinawag si William para buhatin siya papasok sa kwarto niya. Mataas pala ang lagnat niya, teka? Sino yung kasama niya kanina sa music room kanina? Tss, nevermind na nga lang. Makalabas nga saglit nagugutom na ako eh, miss ko na ang lutong pinoy.
“ATE YURI!!!” obvious naman siguro kung sino yang makabasag eardrumsna boses di ba?
“Oh?” sagot ko sa kanya.
“Pasalubong ko?”
“Wala. Hindi ka man lang tumawag.” Sambit ko.
“Ehhhh…namiss mo ako noh?”
“Suntok gusto mo?” sabi ko.
“Tss. Hindi ka pa rin nagbabago, masungit ka pa rin.” She exclaimed.
“Ikaw din, Immatured ka pa rin.” Bara kop sa kanya.
“Ang laki na ng tyan mo ah.” Pansin ko.
“Kaya nga eh.”
Nakakapanghinayang na maagang magiging ina si Yumi. Pero sabi nga nila, everything happens for a reason. Kumain muna ako ng hapunan bago ako naligo at natulog. Finally I’m home.
------
*Ringgggggggggggggggg…
Ano ba yan umagang-umaga binubulabog ako.
“Hello?”
(HELLO!!! YURI) ano ba yan!! Sakit sa tenga ah.
“Umagang-umaga, Dess.” Reklamo ko.
“Paano mo nalaman na nakauwi na na ako?”
(Si Yumi.) Ahhy oo nga pala, bestfriend yata itong dalawang ito eh, pinagpalit na ako.
“Kdot.” Sagot ko.
(Punta ka sa bar ni Za later ah. Bye!) Aish…Kainis naman, may Jetlag pa ako eh.
Yumi’s P.O.V
“Ano sabi? Pumayag ba?”
“Oo, pero I think may jetlag pa yun ahaha.” Sabi ni Ate Dess at bumaba siya sa kama. Pumunta siya sa kabinet niya.
“What are you looking for?” tanong ko.
“A letter.” Sagot niya.
“Letter? From?”Hindi niya ako sinagot. Busy siya sa kakahanap nung letter.
“Got it.” Sabi niya habang nakataas yung letter sa kamay niya. Humiga ulit siya sa kama, sa tabi ko.