Chapter 6 (SOS-Yumi-is it real?)

14 1 0
                                    

Chapter 6 (SOS-Yumi-is it real?)

Nanahimik ako sa klase ng biglang nagvibrate ang phone ko.

From: Yumi.

SOS.

Hindi ko na lang pinansin, walang kwenta na naman ang ipapagawa niya. Ilang sandali lang ay nagvibrate ulit.

From: Yumi.

SOS.

“Problema nito?” napabulong tuloy ako.

“Miss Pontavice? May problema ba?” tanong nito Prof ko mabait naman ito.

“Ummmm Ma’am—“

Ringgggggggggggggg

“May tawag ako.” Sabi ko ta lumabas na ako.

Calling Yuki.

“What?” sagot ko.

(Yumi.)

“SOS? Joke lang niya yun.”

(Papunta na ako sa school mo.) What!! No way malalaman nila ang tungkol sa aming tatlo.

“Hindi na, magkita na lang tayo sa bahay.” Sabi ko.

(Okay.) sagot niya at pinatay na niya.

Pumunta ako sa parking lot. Oo nga pala hindi ko dala ang kotse ko, pinagdrive ako nung mukong na yun. Pumunta ako sa department niya at hinanap ang classroom niya, tinawag ko agad niya ng makta ko siya.

“Halika.” Sabi ko at hinila na siya.

“Why?” pagtataka niya.

“Wala akong sasakyan, may emergency!!” sigaw ko habang napataas ang dalawang kamay ko.

“Okay-okay! Sige ipagda-drive kita, after ng klase ko.” Sabi niya.

“Aalis na tayo, NGAYON DIN.” Sabi ko.

“Fine!” sabi niya at naglakad na kami papuntang parking lot.

“Saan tayo pupunta?” tanong niya.

“Sa bahay.” Sagot ko.

“Sa condo mo?”

“Sa dating bahay ko.” Sabi ko at itinuro ko namn ang direksyon. Nang makarating na kami sa bahay namin, napanga-nga naman ang isang to. Siniko ko siya.

“Wag kang tumunga-nga dyan.” Sabi ko at naglakad na papasok. Nakita ko ang kotse ni Yuki at ang kotseng gamit ni Yumi may dalawang kotse rin na hindi ako pamilyar. Dalawang taon na rin nag huli akong pumunta dito.

“M-miss Yuri.” Sabi ng mga maid. Inirapan ko sila.

“Si Yumi?” tanong ko.

“Sa kwarto niya po.” Sagot naman ng butler. Umakyat na ako sa hagdan, may napansin akong isang babae at isang batang lalaki sa living room, hindi ko na lang pinag-aksayahan ng oras. Nakita k si Yuki na nakatayo sa pintuan ni Yumi.

“Anong nagyayari?” tanong ko.

“Kanina pa siya dyan, ayaw niyang buksan.” Sabi ni Yuki. Ramdam ko ang pag-aalala niya, kambal kami kaya ramdam ng bawat isa sa amin ang nararamdaman namin.

Me, Myself and I(The Pontavice Siblings)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon