Chapter 36 (Far far away!!)

7 0 0
                                    

Chapter 36 (Far far away!!)

King’s P.O.V

Pinapunta ko rin dito ang mga kaibigan ni Yuri at ang ate at kuya ko, actually half brother and sister ko sila, anak ako sa pangalawang asawa ni dad, pero tanggap naman nila ako. Sa opisina naman ni dad, ang pakilala niya, ako lang ang anak niya, kasi naman si Kuya Chardan, may sariling kompanya kasama pa niya si ate Cass, at kapag nalaman ng boardmember yun, aalis sila, kasi hindi ang older son ng President ang succesor, gets niyo ba? Anyway back to the present tayo.

Pumunta ako sa daungan ng yate, yate kasi ang ginamit nila hindi helicopter. Nakita ko naman silang naguunahang lumabas ng yate. Naunang lumabas si Al, sunod si Dess, syempre, at si Zaren na ngayon ko lang ulit nakita, si……sino naman ito?

“Hi?” bati ko sa kanilang lahat. Pero hindi nila ako napansin, abala silang nag-aaway.

“Nakakainis ka naman wifey!” sigaw ni Al sa girlfriend niya.

“Eh sa nasusuka na nga ako eh.” Sigaw rin ni Dess at nagpout pa.

“Guys, tama na yan.” Awat naman ni Zaren sa kanila.

“Hmmp!” sabay na sabi nilang dalawa. Nagtalikuran silang dalawa at nakacrossed arms pa.

“Guys! C’mon lets go.” Yaya ko sa kanila, at sa wakas napansin na rin nila ang presensya ko.

“Fafa Clyde!!!! Ow.” Agad naman siyang binatukan ni Dess.

“Subukan mong tumingin sa ibang lalaki sasapakin talaga kita.” Banta ni Dess. Bigla tuloy akong natawa sa kanilang dalawa.

“’'wag kang mag-alala hindi ko siya aagawin sayo, Dess. May Yuri na ako eh, tara na.” sabi ko at binuhat na ang isa sa mga maleta nila. May mga kasama rin ang akong bellboy kaya sila na rin ang nagbitbit ng mga iba pang gamit nila.

Pagkadating namin sa hotel lobby ay tilian na agad ng mga magkakaibigan ang narinig namin, isama mo po si Al, na wagas kong makatili. Masaya akong tinitignan ang kambal na tuwang-tuwa sa pagdating ng mga kaibigan nila.

“Ang saya nila ah.” Bulong nitong lalaking hindi ko pa kilala.

“kaya nga eh.” Sagot ko at hinarap ko siya.

“An pa lang pangalan mo, dude?” tanong ko sa kanya. Inilahad niya ang palad niya sa akin para magpakilala.

“Kenzel, pala pare.” Sabi niya.

“Kenzel?” Ulit ko. Ngumiti naman siya.

“Ikaw?”

“King. King Clyde Hermosa.” Sabi ko nang nakangiti.

“Ken-Ken!” tawag ni Zaren. Lumapit naman siya sa kanya.

“Bakit Ren-ren?” Narinig kong sabi niya.

“Tara sa kwarto natin. Pagodmuch na kasi aketch.” Sabi ni Al. Lahat sila ay pumunta na sa kanya-kanya nilang cottage para magpahinga. Bawat cottage dito ay may dalawang rooms, pero meron din namang isa lang for the new married coupel, for their honeymoon. Dahil lahat naman pala ay may partner, o di yun ang cottage nila ahaha.

Habang pinagmamasdan ko ang mga kaibigan ni Yuri na ngayon ay kaibigan ko na rin, may brasong pumulupot sa braso ko. Humarap ako sa kanan ko at nakita ko ang babaeng mahal ko na nakangiti sa akin.

Me, Myself and I(The Pontavice Siblings)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon