Chapter 11 (Second time around)
Yuri’s P.O.V
Maaga akong nagising, si Yuki at Yumi nakahiga pa rin sa kama. Bumaba ako sa dining room para mag-almusal. Nagluto naman ang mga maid ni Yuki, swerte talaga niya. Nagkape muna ako habang nagbabasa ng text ko. Puro unknown number, si King pala. Pinapauwi na niya ako…..wow ha? Condo ko kaya yun!! Ilang minuto ay bumaba na si Yumi at Yuki. Bagong ligo si Yumi.
“Morning.” Masayang bati ni Yumi, buti naman hindi na siya galit sa akin.
“Morning. Kain na kayo---anong amoy yun?” tanong ko. May sobrang tapang na amoy na hindi ko maintindihan.
“Alin?” tanong ni Yumi at lumapit siya sa akin.
“Crap! Lumayo ka sa akin! Ang sama ng amoy mo!” tulak ko sa kanya. Napatigil naman ako ng sumama ang panlasa ko. Tumayo ako at tumakbo sa sink. I puked. Sh*t!! anong nangyayari sa akin?
“Bakit?” tanong ni Yuki.
“W-wala. Kain na tayo.” Sabi ko at bumalik sa upuan ko.
------
“Mom…Mom…” sino ba ito batang ito? Minulat ko ang mata tapos may dalawang batang nasa tabi ko.
“Ahhhhhhhhhh…” sigaw ko.
“Yuri!” sigaw ng isang bata ulit, minulat ko ulit ang mata ko at si Yuji.
“Are you okay?” tanong ni Yuji.
“Yeah. What time is it?” tanong ko, nakatulog kasi ako noong 10am.
“6pm.” Haba ng tulog ko.
“Tss. Gusto kong kumain.” Sabi ko.
“What? Oh yeah—eat right? What do you want?” tanong niya. Hindi pa rin marunong magtagalog nitong batang ito.
“Tss. Balut, tapos mangga.” Sagot ko.
“Ba—what?” tss, hirap kausap nito. Lumabas na nga ako, hinanap ko si Yuki. Nakita ko siya sa living room. Malapit na ako sa kanya ng biglang nagdilim ang paligid ko.
“Yuri!!” sigaw naman ni Yuki.
“Ano bang nagyayari sayo?” tanong niya.
“She’s hungry. She wants ba-balit? And Mango.” Sabi ni Yuji. Sumama ang tingin ni Yuki sa akin.
“Gusto mo ng balut at mangga? Tapos ayaw mo sa pabango ni Yumi. Nahilo ka. At nagsuka ka kaninang umaga.” Listahan gusto niya.
“Buntis ka?” seryosong tanong niya.
“Hindi!!” sigaw ko.
“Tss, sabihin mo nga. Meron ba kayong relasyon ni King?” tanong niya.
“Wala!!” sigaw ko ulit.
“Sinong ama niyan? Si Zinc? Kakabalik niya lang di ba?” napalunok naman ako. Hindi kaya buntis talaga ako? No way….T__T
“Wala ito. False alarm lang ito.”
“What’s going on?” tanong ni Yumi.
“Wala. Hindi ako buntis.” Hindi nga ba?
Next day..
“Miss?....... Bakit ka nandito?” madaming tanong naman nitong doctor na ito eh. Nagpa-check-up ako, para sigurado noh!