Chapter 39 (The Ending Part 1)
King’s P.O.V
Many months past and its already July.
“Mygawd……grabe ang jetlag ko!!” reklamo ni Al.
“Ikaw lang ba ang sumakay sa eroplano huh?” pagtataray naman ni Dess.
“Hahaha. Guys ang sweet niyo pala, ngayon ko lang napagtanto.” Pambabara naman ni Zaren.
Nandito na kami sa airport ng Paris. Susurpresahin ko ang prinsesa ko kaya wag kayong maingay dyan. Isinaman ko na rin ang mga kaibigan ko sila, Tom, Kathy, Den, Sam, Diane at Martin.
[Remember those party people at the third chapter.]
“Nasaan na ba yung sundo natin?” tanong ni Ken. Boyfriend ni Zaren hehe lumalablyf na siya eh hehehe.
“Bonsoir!” bati sa amin ng isang french.
“Damien!!” tili naman ni Dess. Naglapit sila sa isa’t isa at parang maghahalikan na, tumaas bigla ang dalawang kilay ko hehe Pero nanlaki ang mata ko sa ginawa ni Al.
“Try to kiss my fiancee? I will smash your face.” Banta ni Al. Nakatakip kasi yung kamay ni AL sa bibig ni Dess at hinablot siya mula sa beywang ahahaha. Over naman kung magselos.
“Bitawan mo nga ako, Al. Kaibigan ko naman siya eh.” Reklamo ni Dess.
“Hoy babae. Gustong mong sabunutan kita o tahiin ko yang labi mo!!” banta ni Al.
“Kiss lang naman eh.” Dess’ murmured.
“Ikaw ba hindi ka magagalit kapag may kahalikan akong—“ sinamaan na ng tingin ni Dess si Al bago pa niya matapos ang sasabihin niya.
“Sige gawin mo ulit yun, hindi pa ako tapos dun sa babae mo Alfredo Roscue!!”
“Ikaw talaga!” sabi ni Al at hinalaikan na lang si Dess.
“Tama na nga yan, pinapainggit niyo ako eh!! Nasaan ba ang Prinsesa ko?”
“Ang Cheezy mo ‘tol baka dagain tayo.” Biro naman ng mga barkada ko.
“May Show daw sila ngayon.” Sabi ni Zaren.
“Show?” ulit ko. Ano yun? Dog show?
“Tss. Di na ako ang manager niya.” Inis na sabi ni Zaren.
---------
Bumyahe na agad kami papunta sa Show na sinasabi nila. Umupo kami sa harap at kung may titindi pa ba sa drop jaw, well ito na yung ginagawa ko ngayon!!!
Asdfghjl!#@!^$#%&*!@ Underwear and Lingerie Fashion Show pala ito eh!! Naku Naku talaga!! Lagot sa akin ang babaeng yun!! Nakasimangot lang ako habang tinitignan ng masama ang mga model at lalong uminit ang ulo ko nang isang sexy, maputi, mahaba ang buhok at soooobrang gandang babae ang rumarampa sa stage. Si Yuri -_____-
“Whoa. Hot! HOT! HOT! HOT!” sabi ng mga bwesit kong barkada. Tinitigan ko rin sila ng masama.
“Yung isang model..” palusot naman nila. Ibinalik ko ang tingin ko sa babaeng nakakairita na!! Hindi naman na against na ako sa pagiging Ramp Model siya per ‘WAG NAMAN ANG UNDERWEAR AND LINGERIE ang imodel niya!!! Hinintay ko munang matapos yung show at pumunta na ako sa back stage. Pinigilan naman ako ng mga gwardya bawala daw. Kaya pinatulog ko sila gamit ang kamao ko, para saan pa ang Muay Thai na ginagawa ko di ba?