Chapter 22 (Hi Cali!!)
“YURI!!!!” wagas naman makasigaw si Honey.
“Ano?” bored kong sabi habang umiinom ng kape. Ang aga pa pero nakabihis na siya.
“GOOD NEWS!!”
“Ilang kape ba ang nainom mo at sobrang hyper ka?”
“Magiging hyper ka rin kapag narinig mo ang sasabihin ko.”
“Go.”
“Ako ang napili nilang model sa Vogue magazine.” Napanganga yata ako.
“Ang galing mo!!” sabi ko at niyakap ko siya. WALANG MALISYA YUN!!
“NATIN!!”
“Oo na sige, natin!” sigaw ko rin.
“Oo dahil magiging model tayong dalawa.” Say what?
“ANO?!!”
“KASI. NADISQUALIFIED YUNG ISANG MODEL NA DAPAT PARTNER KO AT IKAW ANG NAPILI NILANG KAPALIT!!!!!” nabingi yata ako sa sobrang lakas ng bibig nito eh.
“Hoy!” yugyog niya sa akin.
“Ba-bakit?” sabi ko.
“Hindi ka ba masaya?” tanong niya.
“Syempre MASAYA!!”
“Well……kung masaya ka! Magprepare ka na dahil aalis na tayo papuntang Cali in 3 days.” Agad-agad?
“Cali?”
“Oo. Doon kasi ang set nila ngayon.” Paliwanag niya.
“Pero….syempre magshoping muna tayo!!”
Pumunta kami ni Honey sa mall para bumili ng mga bagong damit at gamit para sa pagpunta namin sa cali.
“Wait lang…” hila niya sa braso ko.
“Bakit?” natataka kong sabi ng humarap ako sa kanya.
“Mauna ka ng umuwi ah.” Sabi ni Honey at naglakad na palayo. Saan pupunta yun?
Yumi’s P.O.V
Pumunta ako sa bahay ni Chrys para sabihin sa kanya na buntis ako. Alam ko na kabaliwan itong gagawin ko. Pero sino ang tatayong ama ng magiging anak ko? Hindi naman pwede na ako lang ang magiging magulang niya, hindi ko kaya. Mabuhay nga lang na mag-isa hindi ko kaya eh, kailangan ko pa ng tulong ng mga kambal ko. Hindi naman pwede na aasa na lag ako sa kanila forever, may sarili rin silang buhay na iintindihin kaya bakit ko pa isisiksik ang sarili ko sa kanila. Ayoko ng maging pabigat sa kanila.
Nang makarating na ako sa harap ng bahay nila. Nakita ko si Zinc. Lumapit ako sa kanya kasi nasa labas siya ng bahay nila.
“Zinc?” tawag ko sa kanya. Nagitla naman siya sa pagtawag ko sa kanya.
“Huh? Ummm…..sino ka sa kanila?” nagtataka niyang sabi.
“Si Yumi.” Malungkot kong sabi. Tumango-tango lang siya.
“Si Chrys?”
“Nasa loob. Bakit?” tanong niya.
“W-wala…aalis na ako.” Ano ba yan!! Bakit ngayon pa ako natakot.