Prologue
Sabi nila, swerte daw ako dahil may mga kakambal akong makakasama ko palagi. Silang taong masasandalan ko kapag may problema ako. Ang mga kapatid ko daw ay blessings. Pero sa tingin ko, mali sila. Yung panganay namin, si Yuki. Weird and Creepy. Yung pinakabata, si Yumi. PinakaWEIRD at hindi siya CREEPy!! Nakakairita lang to the highest level. Sa tingin ko nga masisira na ang utak ko sa kanila, pero sa tingin ko sila talaga ang masasandalan ko sa oras na walang ibang tao akong malalapitan kung hindi ang taong kamukha ko na alam kong kaya akong saluhin kapag nahulog ako. At ito ang kwento ko…..
“Teka…ano kaya ang magandang title? It’s all about Me naman eh.” Yuri.
“No, about myself---“ Yuki.
“AND I!!”Yumi.
[Got it guys, Me, Myself and I]
“No! Author!!” Yuri.
[Tsk-Tsk. You’re selfish again, Yuri my Dear -_-]