Chapter 37 (Closure?)

6 1 2
                                    

Chapter 37 (Closure?)

Pagkatapos kaming kidnap-in ng sarili naming ama sa kamay ng mga taong mahal namin, dinala na kami sa Paris. Hindi ko alam kung bakit dito niya pa kami dinala, hindi ko alam ang plano niya at yun ang aalamin ko.

“Just leave all your stuff there and they will dispatch it.” Utos niya. Dispatch? Nevermind.

“Fred?” Tawag ko sa kanya. Humarap lang siya sa akin.

“What you want from us?” kalmadong sabi ko.

“Closure.” Sabi niya na nakatalikod sa akin.

“Closure?” ulit ko.

“Yeah. You will know it, in the following day.” He said.

“Alright. So I will spend my days here, oh hell.” I murmured.

-----------

Pangalawang araw pa lang namin dito sa Paris. Anong ginagawa namin? Well tambay lang sa bahay. Nilibot ko ang bahay namin dito, malaki rin siya, ilang bahay ba meron kami sa buong mundo? Hinahanap ko si Yumi, pero hindi ko siya matagpuan eh, saan kaya nagpunta yun. Nakita ko ang isang maid ni Fred.

“Excuse me? Where is Yumi?” tanong ko. Ano ba yan maging sa maid nosebleed ako, paano pa kapag lumabas ako dito.

“She’s at the airport, Madame.” Tss, may accent siya, naalala ko tuloy si Yuki.

“Yuri…Change your clothes.” Utos ni Fred.

“Huh? Why?” Wow english pa rin -__-

“I’ll tell you later.” Sagot niya at akmang aalis na.

“Bakit nasa airport si Yumi?” tanong ko. Mamaya uuwi na pala siya ng Pilipinas, oh di maiiwan ako dito na NGANGA!

“Susunduin niya si Mr. Alferez.” Sagot niya.

“Alferez?sino yun?” tanong ko. Sino nga ba yun?

“Mr. King Charles Alferez.” Oh….Alferez pala surname ni honey ahaha.

“K. Bakit siya lang? Hindi ako kasama sa kanila?” tanong ko pa.

“Because we have other business to mind.” Business? Hindi ako magaling dyan, Fred. Gusto ko sanang sabihin yan.

Alam niyo kung saan ako dinala ni Fred? Sa Eiffel Tower~ Kung si King siguro ang kasama ko dito, siguradog mai-eenjoy ko ito ng sobra, pero sa kamalasan si Fred pa.

“Ano ba talagang plano mo?” sabi ko habang nakasakay kami sa elevator. Papunta kami ngayon sa tuktok. Hindi niya ako sinagot…Tss.

 

 

 

 

 

“Fred.” Pang-limang tawag ko na yan sa kanya. Hindi niya pa rin ako pinapansin.

“Here.” Biglang sabi niya.

“huh?” sabi ko habang nakataas ang dalawang kilay ko.

“Here where I wanted to propose to your mom.” Ano daw?

“Bakit sa akin moyan sinasabi, hindi kay Mom.” Sabi ko. Nagbigay siya ng malalim na buntong hininga.

Me, Myself and I(The Pontavice Siblings)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon