Chapter 1 (Saturday Hell)
“Are you ready kids!
Aye, aye Captain!
I can’t hear you?!
Aye, aye Captain!
Oooooohhhhhhh..who lived in pineapple, under the sea?
Spongebob Squarepants”
Lilinawin ko lang. Wala pa akong anak, wala din akong batang kapatid. Ang meron? Abnormal na kakambal!
“YUMI!!!” sigaw ko. Lumabas agad ako sa kwarto ko, agad kong hinarap ang babaeng nanira ng tulog ko.
“Morning Ate!” bati niya sa akin.
“First, hindi mo ako ate, 5 minutes lang ang agwat ko sayo! Second, bakit ang lakas lakas ng T.V ko. At Third, bakit nandito kayo sa condo ko!!” sigaw ko sa kanya. Nakita ko naman si Yuki na naka counter ko, nagluluto ng popcorn sa oven ko.
“Ehhh…ate Yuri naman eh…” tutol niya.
“Tumigil ka dyan, sasaktan kita.” Banta ko sa kanya.
“Saturday ngayon. Kaya nandito kami ni Ate Yuki. Di ba ngayon lang tayo nagkakasama-sama?” sabi niya with matching puppy eyes pa. Pasensya siya, hindi yan gagana sa akin.
“Kaya…ayoko ng Saturday eh! Sino bang nagsabing magsama tayo every Saturday!!” naiirita kong sabi.
“Ikaw” sabay na sagot ng dalawa. Tss, ako nga pala. Bakit kasi sinabi ko pa yun, hayyyy…malas!!
“Tss, kahit na!! Bakit na nanonood ka na naman ng Spongeob ha! Yumi!” sabi ko.
“Maganda kasi at nakakatawa.” Paliwanag niya.
“Alam mo! MAGMATURED KA NA!!!” sigaw ko.
“Nineteen ka na! Dapat umasta ka na parang MATURED! Di ba? Yuki?” sabi ko at hinanap ko si Yuki sa counter ko, wala na siya. Ayun naman pala siya….nasa harap na ng T.V, nanonood ng Spongebob habang kumakain ng popcorn.
“Maturity! Tss, dapat ako ang naunang lumabas eh. Mas tanggap ko pa yun.” I mumbled.
Naligo na ako, nagbihis at umalis na sa condo ko. Wala na akong magulang, oo ako lang. Tss, para sa akin, patay na ang magulang ko dahil hindi ko na sila nakikita. Pero every month nagpapadala sila ng 100,000 para sa allowance namin, nasa ibang bansa sila, nagpapayaman, nakalimutan nga lang nila na may anak pa sila dito sa pilipinas. Hindi ko kinukuha ang perang pinapadala nila sa akin, kaya ang ginagawa ko nagtatrabaho ako, siguro iniisip niyong maPride ako. Well, Yes. At mas gusto kong maging ganito kaysa umasa sa kanila. Isa ang Free lancer, Photographer at Model. Every Saturday, nagtatrabaho ako, pero minsan kahit schooldays pa basta may trabaho, gagawin ko pa rin. Si Zaren Mellor ang naghahanap ng trabaho para sa akin, mayaman siya eh. Ngayon, may trabaho akong tatapusin. Isang Nuptial ang pupuntahan ko ngayon.
“Hi Za?” bati ko at nagbeso sa kanya.
“Hey? Mukha kang pagod? But still Hot?” sabi niya.
“Alam mo naman…..Saturday.” sabi ko.
“Yeah I know. Pero okay naman ang mg kambal mo ah?”
“Wehh? Di nga?” pang-aasar ko.
“Tss. Sige na, magstart ka na.” sabi niya at tinulak pa niya ako.