Chapter 19 (New King?)

6 1 0
                                    

Chapter 19 (New King?)

Naka-44 auditionees na ako pero, 8 palang ang pasok sa akin. Bored na bored na ako sa ginagawa ko. Kinuha ko yung disposable cup ko na may lamang coffee.

“Name?” pang-45 na to. Hindi ako nakatingin sa kanya. Busy ako sa coffee ko.

“King.” King? Yung KING KO!!

“King!!” sigaw ko at humarap ako sa kanya. Disapoinment, yan ang nararamdaman ko.

“OAmuch? Oo, King ang pangalan ko.” Gwapo naman, may attitude nga lang. Tinignan ko yung close up picture niya at yung whole body.

“Sige. You’re in.” bored kong sabi. Tinaasan niya lang ako ng kilay at umalis na. Naka-100 yata akong auditionees.

“Okay ka lang Yuri?” tanong nitong isang Judge.

“Pagod lang siguro.” Sabi ko. Tumayo ako at nag-inat-inat. Grabe buong maghapon akong nakaupo.

“Tapos na ba?” tanong ko.

“Oo yata eh. Sunod naman dito eh kailangan nating turuan yung mga natanggap.” Naman!! Matagal pa pala!!

Kinaumagahan, bumalik na ako sa sarili kong studio. Oo, lumelevel up ang lola niyo ahahaha. May ibinigay silang listahan ng mga newbies na natanggap kahapon. Akalain niyo yun, kasama yung King. PSh.

“Okay. Anong gusto niyong itawag ko sa inyo?” matinong sagot ko.

“Honey.” Sambit nitong mayabang na lalaking ito.

“Guys. Hindi na-importante yun. Magstart na tayo.” Sabi ko at inarap yung bwesit na lalaking yun. 18 lang ang napili out of 100. Tatlo kaming judge kaya tig-six kami. At unfortunately kasam itong bwesit na ito.

Tinuruan ko sila kong paano maki-interact sa camera. Mga poses na alam ko. At mga tips na ginagawa ko naman talaga, tulad ng, dapat alam mo ang magandang anggulo mo at dapat kita ang buong katawan mo.

“Honey!” tawag ni Bwesit sa akin.

“Yuri. Yun ang PANGALAN KO.” Naiinis kong sabi.

“Uyyyy….” Pang-asar naman ng iba pang models.

“Stop it.” Sita ko sa kanila.

“Ang sungit naman ni Honey. Siguro wala kang boyfriend kaya ka masungit noh?” pwede ko bang upakan ito?!! Please? Ngayon lang…

“May. Boyfriend. Ako.” Enemphasize ko talaga lahat ng word para maintidihan nitong abnormal na ito.

“Ows? Di nga?” sabi niya at lumapit siya sa akin.

“Gusto mo bang maging professional model?” tanong ko sa kanya.

“Yes. Honey.” Sabi niya. Sobrang lapit na niya sa mukha ko.

“Pwes, umalis ka sa harap ko kung ayaw mong tanggalin kita.” Banta ko.  Naiinis naman siyang umalis.

Kahit sobrang haggard na ako, pagkatapos ng trabaho ko, pumunta na agad ako sa building ng condo ko. Umakyat ako rooftop. Abala na akong nagpaplano at nagmemeasure ng may magsalita sa likod ko.

“Honey? Anong ginagawa mo dito?” sino pa nga ba?

“Nagtatrabaho.” Sagot ko na hindi man lang lumilingon.

Me, Myself and I(The Pontavice Siblings)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon