Chapter 4

12.9K 377 23
                                    

Third Person's POV (Author's POV)

Hindi pa rin makapaniwala si Fybs sa nakikita nya. Sino nga ba naman kasi ang makakapaniwalang ang five star hotel sa atin ay dormitory lang para sa Luther Academy diba?

"Pumasok na tayo Ms Kourtney.." Sabi ni Head.

Hindi na sumagot pa si Fybs sa halip ay nauna pa syang pumasok kaysa kay head.

Kung kanina ay para syang lantang gulay na pinagbagsakan ng langit at lupa, ngayon naman ay excited na excited sya.

Hindi sya ignorante. Hindi nya rin first time na makakita at makapasok ng five star hotel. Ang totoo nyan ay ang mga magulang nya ay nagmamay ari ng maraming five star hotel sa iba't ibang panig ng Asia.

Sadyang hindi lang sya makapaniwalang maaaring matawag na dormitory ang isang five star hotel. Hindi sya makapaniwalang makakakita at maninirahan sya sa isang 5 star hotel dormitory.

Naaamaze syang sobrang layo ng inexpect nya sa kinatatayuan nya ngayon.

Pagkapasok nya palang ay lalo syang namangha. Para talaga itong isang five star hotel. May malaking chandelier sa gitna na syang mas nakapagdaragdag ng ganda ng lugar. Kulay puti ang wall. May mga waiting shed din na parang sa mga hotel. May mga paintings sa dingding. At may mga malalaking vases sa mga gilid.

Habang binubusog ni Fybs ang kanyang mga mata ay dumiretso naman si head sa reception at kinausap ang receptionist ng lugar.

Oh ha! May reception at receptionist pa! Parang hotel talaga hindi ba?

Patuloy pa rin sa paglibot ng tingin si Fybs. Kahit na ganyan ang kanyang ginagawa ay hindi sya mukhang ignorante sa mga nakakakita sa kanya. Para lang kasi syang nagtitingin tingin. Hindi sya gaya nung iba na habang ng lilibot ang mga mata ay nakanganga pa at kumikinang ang mga mata.

Si Fybs kasi ay parang natutuwa na parang hindi makapaniwala lang pero normal na lahat ng nakikita nya para sa kanya. Maliban nalang sa katotohanang nasa isang dormitoryo lamang sya at wala sa five star hotel.

"Ms Kourtney hanggang dito nalang akoSya si Caloy, sya ang maghahatid sayo sa kwarto mo. Ito ang susi." Sabi ni head kay Fybs at iniabot ang susi ng kwarto nya.

"Okay." Kaswal na sabi ni Fybs.

Tinanguan lang sya ni head. "Caloy, ikaw na ang bahala kay Ms Kourtney at ako'y mauuna na dahil marami pa akong kailangang asikasuhin." Sabi ni Head at pinat ang balikat ni Caloy at nagbow kay Fybs saka umalis.

"Dito po tayo Ms Kourtney." Sabi ni Caloy.

Sumunod lang si Fybs sa kanya. Sumakay sila sa elevator.

"What floor madam?" Tanong ng elevator girl.

Tinignan lang ni Fybs si Caloy dahil hindi nya rin alam. "7th floor please." Sagot ni Caloy.

Tahimik lang sila hanggang sa bumukas ang elevator. "7th floor."  Anunsyo ng elevator girl.

Naunang lumabas si Caloy at sinundan naman agad ni Fybs. Si Caloy ang may hila hila ng dalawang maleta niya.

Luther Academy: School Of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon