Chapter 43

4.2K 112 0
                                    

Sloanne's POV

"Where are you going, Nate?" Kunot noong tanong ko nang pagkalabas ko kusina ay nakita ko siyang hawak ang phone niya at mukhang nagmamadaling umalis.

Nilingon niya ako saka mabilis na lumapit sa akin at ipinulupot ang braso sa bewang ko.

"I need to go." Sabi niya.

"I said, where are you going?"

"Just... somewhere important, Wife." Ilag niyang sagot. I was about to ask him further but he already kiss me at my forehead and bid his goodbye to me then he leave.

"Tsk! Siraulong Nate yun, ah?! Saang lupalop na naman kaya balak lumipad ng lalakeng yun?!" Galit na tanong ko sa sarili.

Aish! Bahala nga siya sa buhay niya.

Pumasok nalang ako sa kwarto saka naligo. After 30 minutes na pagligo ay lumabas na ako sa banyo ng nakabathrobe.

*Ding!*

*Dong!*

*Ding!*

*Dong!*

Agad ako lumabas ng kwarto at pinagbuksan ng pinto ang nagdoor bell. Baka siya na iyan.

Pagkabukas ko ng pinto ay bumungad sa akin ang isang babaeng seryoso ang mukha bagaman bahagyang nakangiti.

"Ms. Kourtney." Bati niya saka nagbow.

"Follow me."

Saka ko siya tinalikuran at nagsimulang maglakad. Hinayaan ko lang na nakabukas ang pinto ng front door para makapasok siya at siya na ang magsara.

Pumasok ulit ako sa kwarto at dumiretso sa vanity table ko then I dry my hair using the blow drier.

Nakita ko sa salamin na pumasok na si Hazel at isinara ang pintuan.

Nagbow ulit siya sa akin kahit na nakatalikod ako sa kanya. "I'm sorry for being late, Ms Kourtney." Sabi niya.

"Nah. You're just in time." Taka niyang inangat ang ulo niya at nakipagtitigan sa akin mula sa salamin. "Nate's here earlier but he already left, obviously."

Aish. Bakit ba ako nagpalaliwanag sa babaeng ito? Tsk.

Nakita kong tumango siya saka naglakad palapit sa kama ko at pinatong ang dala niyang itim na suitcase at dalawang may kalakihang paper bags.

"Is that all?" Tanong ko habang nasa salamin pa rin ang tingin.

"Yes, Ms Kourtney." Magalang niyang sagot.

◇◆◇

Pareho kaming abala ni Hazel sa paghahanda. Nakaayos na kami. Siya ang nagmake up at nag ayos ng buhok ko bago niya inayusan ang sarili niya kanina. Suot suot na rin namin ang mga dala niyang damit at sapatos.

Si Hazel ay nakasuot ng not so fitted na royal blue backless halter neck long gown. And a pair of champagne colored stiletto heels. Yung buhok niya ay nakawater falls ang style. She look beautiful and stunning.

Habang ako naman ay nakasuot ng black fitted long gown na may mahabang slit na hanggang hita. And a pair of  glittering black stiletto heels. Hazel fixed my hair into a messy bun.

Pareho kaming makapal ang make up para walang makakilala sa amin sa pupuntahan namin. Hindi naman nakakaasiwa tignan kahit na makapal ang make up namin kaya ayos lang.

Luther Academy: School Of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon