Chapter 12

8.5K 216 10
                                    

Fybs POV

Lumipas ang araw at kahit papaano ay matatawag ko namang normal ang mga nagdaang araw. Walang special na nangyare maliban nalang sa medyo naging close na kami ni Nathan pero that doesn't mean na we're already friends. Malayong malayo pa doon ang katuyan namin ngayon. Para bang magkakilala lang kami, schoolmates, classmates pero we're not friends.

Anyway Friday pala ngayon at nandito kami ngayon sa gym para sa P.E class namin. Si Irish ay nandoon pa rin sa locker room for girls at hindi pa rin tapos magpalit.

Ewan ko ba sa babaeng yun ang bagal bagal kumilos. Simpleng pajama at T-shirt na nga lang ang susuotin ang tagal tagal pa matapos.

"Where's Irish?" Biglang tanong ni Hiro saka umupo din sa bench na kinauupuan ko.

"I'm here!" Malakas na sabi ni Irish.

Agad naman kaming napalingon sa kanya na kalalabas lang ng locker room.  Tss kahit kailan talaga ang lakas ng pandinig ng babaeng ito.

*-.-*

Hyper syang lumapit sa amin at umupo sa kandungan ko.

"Bakit nyo hinahanap ang magandang si ako?" Matamis ang ngiting tanong nya.

"Malamang kasi hindi ka nakikita kaya ka hinahanap." Walang ganang sabi ko saka sya tinulak kaya nahulog sya sa sahig.

"Ouch!" Daing nya at hinampas pa ang hita ko. "Masakit yun ah!" Singhal nya.

"Tss. Alam ko." Walang ganang sabi ko.

Sinimangutan nya ako bago tumayo at pinagpagan ang pwet nya.

Nabaling ang atensyon ng lahat nang tumayo si sir sa harap namin at nagsimulang magsalita.

"Ang topic natin ngayon ay about sa gymnastics. Isa isa kayong magpapakitang gilas dito sa harap gamit ang gym high bar na ito." Sabi ni sir at hinawakan pa ang gym high bar na nasa tabi nya. "Siguro naman ay lahat kayo ay pamilyar na sa paggamit nito? Taon taon nyo naman itong ginagawa diba?"

"Yes sir!" Sagot ng lahat maliban sa akin.

Tss. Anong taon taon? Baka sila lang! Duh! Bago lang kaya ako dito.

"How about you Ms Kourtney? Do you know how to use this?" Tanong nya.

Pinagtaasan ko lang sya ng kilay at hindi na sumagot. "Okay. I guess silence means yes?" Ngising sabi ni sir.

Pumalakpak sya ng isang beses kaya muling nabaling ang atensyon ng lahat sa kanya. "Okay, sino gustong mauna?" Nakangiting tanong nya habang magkasiklop ang mga palad.

Biglang nagtaas ng kamay si Dianne at tumayo. Bahagya syang lumingon sa akin na ulo lang ang gumagalaw at ngumisi saka muling hinarap si sir.

"Sir, paano kung paunahin na muna natin si 'Ms Kourtney' tutal marunong naman na daw sya diba?" Ngising sabi ni Dianne at talagang pinakadiinan nya pa ang pagkakasabi ng surname ko.

Luther Academy: School Of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon