Sloanne's POV
*Booggshh!!*
"The Fvck!" Singhal ko kay Hiro.
Paano ba naman eh bigla bigla nalang siyang nagprenyo nang makalagpas kami sa gate ng Luther! Muntik na tuloy akong mauntog!
"Sorry. May bigla kasing humarang sa daan natin eh. Okay ka lang ba?" Nag aalalang tanong niya.
Tinignan ko ang harapan namin. Gabi na at madilim na rin ang daan. Salamat sa headlights ng kotse at mangilan ngilang street lamps kaya nakikita ko ang apat na motor na nakaharang nga sa harap ng kotse namin.
"Why the hell they're blocking our way?!" Inis kong tanong bago lumabas ng kotse at harapin ang apat na siraulong ito.
Naglakad ako palapit doon sa apat na nakasakay pa rin sa mga motor nila. Dinig ko ang pagsara ng pinto ng kotse. Sigurado ay lumabas na rin si Hiro.
"Anong trip niyong mga siraulo kayo, ha?! Bakit paharang harang kayo sa daan?!" Inis na singhal ko habang dinuduro sila.
Inalis nila ang mga helmet nila at tatawa tawang bumaba sa motor nila.
"Hinihintay talaga namin kayo eh. Buti at dumating na rin kayo sa wakas. Kanina pa kami dito, eh." Nakangising sabi ng lalaking may piercing sa tenga at ilong.
Parang pamilyar itong apat na ito eh. Saan ko nga ba sila nakita?
"Anong kailangan niyo sa amin, Red?" Seryosong tanong ni Hiro.
Red? Ah, si Red. Kaklase rin namin siya. Kung hindi ako nagkakamali ay ang mga kasama niya ay sila Laurence, Mark at James na mga kagangmates niya.
"Hindi kasi kayo pumasok kanina, eh. Kung sana ay pumasok kayo edi sana hindi na namin kayo hinintay dito." Sabi ni Mark.
"Ang yabang yabang niyo kasi eh! Lalo ka na!" Dinuro pa ako ni Laurence.
"Wawakasan na namin dito ang kayabangan mong babae ka! Sayang nga lang dahil hindi makikita ng lahat kung paano ka namin lampasuhin!" Mayabang na sabi ni James.
Matunog akong ngumiti. "Lalampasuhin niyo ako? Talaga lang ha?"
"Iniinsulto mo ba kami ha?!" Igting pangang tanong ni Red.
"Bakit hindi nalang kayo sumugod. Show me what you got." Hamon ko.