Chapter 11

9.3K 239 22
                                    

Irish POV

Nandito na kami sa dorm namin. Nandito din ang grupo ni Nate. Wala pa dito si Sloa. Mula nung umalis sya kanina sa cafeteria ay hindi na namin sya nakita. At ito namang si Nate ay dinaig pa ang isang boyfriend kung mag alala sa kaibigan ko.

"Umuwi na kaya kayo sa dorm nyo? Gabing gabi na oh?" Mahinanong sabi ko.

Ayokong isipin nilang pinapaalis ko sila dahil hindi naman talaga yun ang intensyon ko. Gabing gabi na kasi at may pasok pa kami bukas. Ayoko namang mapuyat sila ng dahil lang sa kaibigan ko.

"Oo nga Nate. Inaantok na rin ako eh." Sang ayon ni Kane.

Agad naman syang siniko ni Sydney. Tss. Kahit kailan talaga itong si Kane. Hindi pa rin nagbabago.

"No. I'll stay here. Umuwi kayo kung gusto nyo." Seryosong sabi ni Nate.

"Pero Nate—" Hindi na natapos ni Sydney ang dapat sasabihin nya ng agad na magsalita si Nate.

"Sabi nang mags-stay ako eh."

Agad naman akong nilingon ni Syd na para bang nagtatanong kung okay lang ba. Tumango nalang ako. Kilala ko si Nate. Matigas ang ulo ng isang iyan. Hindi sya papapigil sa mga gusto nya. Kahit paalisin ko sya ay siguradong hindi rin sya makikinig.

Nagpaalam na ang mga kaibigan nya at umalis. Sya naman ay walang tigil pa rin sa paglakad paikot ikot sa sala.

"Dude, maupo ka muna." Sabi ni Hiro.

Naupo naman si Nate pero ilang sandali lang ay tumayo na naman sya at nagpaikot ikot sa sala.

"Hindi pa rin ba sya sumasagot?" Baling sa akin ni Nate.

Kanina ko pa kasi tinatawagan si Sloa pero hindi naman nya sinasagot yung phone

Umiling ako. "Hindi pa rin."

"Ugh! Where the hell is she?!" Frustrated nyang sabi at hinilamos pa ang palad sa mukha.

"Hey! Calm down. Kaya nya ang sarili nya." Lumapit pa ako sa kanya para lang pakalmahin sya.

"How?! Gabing gabi na pero wala pa rin sya?! Paano kung may nangyari sa kanya ha?!"

"Stop over reacting. Kaya nya ang sarili nya." Kalmadong sabi ni Hiro.

Kahit ganyan yan ay alam kong alalang alala na sya para sa kaibigan namin. Ayaw nya lang talagang sabayan si Nate.

"Anong over reacting?! Anong klaseng kaibigan ka?! Bakit parang hindi ka man lang nag aalala para sa kaibigan mo?!" Singhal ni Nate sa kanya.

"Shut up. Wala kang alam." Poker face na sabi ni Hiro.

Akmang susugurin sana ni Nate si Hiro ng biglang....

*Blagg!*

Napalingon kami sa pinto ang marahas itong bumukas. At doon nakita namin si Sloa na pagewang gewang na naglalakad.

Luther Academy: School Of GangstersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon